Skip to content
DYARYO TIRADA

Prenup shoot nina Caloy at Chloe ipinasilip

Prenup shoot nina Caloy at Chloe ipinasilip

Chloe San Jose FB

Text size

Mukhang malapit nang marinig ng madla ang tunog ng kampana para sa kasal nina double gold Olympian Carlos “Caloy” Yulo at singer-influencer Chloe San Jose matapos nilang ibalandra sa social media ang prenup shoot nila.

Sweet na sweet ang dalawa sa mga larawan habang nakasuot ng matching pink kimonos na tila isang pagpupugay sa ilang taong paninirahan at training ni Caloy sa Japan.

Sinamahan din nila ng touching captions ang posts na talagang nagpakilig sa mga tagasuporta nila.

Pagbabalik-tanaw ni Caloy, nanatiling matatag ang relasyon nila ng kasintahan kahit marami man ang nagtangkang sumira.

“Sobrang daming nangyari at alam kong hindi naging madali lahat ng mga pinag-daanan nating dalawa, madaming hindi naniwala at sumubok na sirain yung pag-mamahalan na binibigay natin sa isa’t isa but none of them mattered,” ani atleta.

“Hindi natin kailangan ipaliwanag sa buong mundo kung bakit nanatili tayo hanggang dulo dahil saksi si Lord sa bawat pangyayari sa buhay na tinatahak nating dalawa, and that’s what makes this even more special,” saad pa niya.

Samantala, super thankful din si Chloe sa Olympian at sa Panginoon na patuloy na gumagabay sa kanila.

“I’m grateful that I get to do this life with you. To celebrate your victories, hold your hand through the difficult days, remind you of what’s possible when things feel uncertain, and build a future that goes far beyond what we can see right now,” pahayag ng influencer.

Also read Treasure hunting nauwi sa trahedya

“Here’s to more growth, more victories, more answered prayers, and a lifetime of choosing each other through it all,” dagdag pa ng singer.

Napuno rin ng pagbati at best wishes and comment section ng dalawa.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.