Torre pinuksa si Darryl Yap, matapos mamura



Nilinaw ni First Lady Liza Araneta-Marcos na hindi umano nangangahulugang tinalikuran ang mga pilipinong naapektuhan ng…
Isang insidente ng pamamaril ang naganap sa loob ng Ateneo de Zamboanga High School Campus umaga ng Martes, 18 ng…

Ibinahagi ng aktor na ngayo'y pastor na si Edward Barber na engaged na siya sa kaniyang non-showbiz girlfriend na si…

Kasalukuyang nasa United States ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao dahil hinatid nila ang kanilang anak na si…

Muling nagkabigayan ng maaanghang na salita si Philippine Coast Guard spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Jay…
Hindi napigilan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III na bumuwelta sa pagmumura ni film director Darryl Yap kaugnay ng naging sagutan nila sa social media.
Matatandaang unang pinuna ng ng filmmaker si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro kaugnay ng pahayag nito tungkol sa ilang guro na umano’y nagtuturo sa mga estudyante na maging “walang modo.”
Matapos murahin ni Yap si Castro, ipinagtanggol ito ni Torre at sinabihan ang direktor na magkaroon muna ng “comprehension” bago punahin ang pahayag ng PCO official.
Sa halip na sagutin ang punto ni Torre, muling naglabas si Yap ng mura laban sa MMDA official.
Dito na bumuwelta si Torre at sinabing ang naging tugon ni Yap ay lalo lamang nagpatunay sa kanyang punto.
Ayon kay Torre, tinanong niya si Yap tungkol sa “comprehension,” ngunit ang isinagot umano ng direktor ay: “ANONG COMPREHENSION COMPREHENSION! T*NG INA N’YO TOGETHER!”
Para kay Torre, hindi dapat nauuwi sa pagmumura ang isang pagtatalo, lalo na kung hindi kayang sagutin ang argumento.
“Ganito na ba ang gusto nating halimbawa sa kabataan—na kapag hindi mo kayang sagutin ang argumento, lakasan mo na lang ang boses at dagdagan ang mura?” ani Torre.
Dagdag pa ni Torre, bilang isang filmmaker na may audience at may mga kabataang maaaring tumitingala sa kanya, mas malaki ang responsibilidad ni Yap sa kanyang ipinapakitang asal.
“You are a filmmaker. You have an audience. People listen to you. Some young Filipinos undoubtedly look up to you,” buwelta ni Torre kay Yap.
Aniya, dapat matutunan ng mga kabataan na kapag may hindi kasundo, dapat sagutin ang argumento sa halip na manakot, mambastos o mang-bully.
Binanggit din ni Torre ang sinabi ni Yap na mga guro ang kanyang mga magulang, dahilan upang asahan niyang mas maayos ang paraan ng pakikipagdiskurso ng direktor.
“Darryl, sinabi mong mga guro ang mga magulang mo. All the more reason that I expected something better,” saad ni Torre.
“Because teachers don’t merely teach us how to read words. They teach us how to think,” dagdag pa niya.
Samantala, nilinaw naman ni Castro na wala siyang sinisising mga guro at ang kanyang pahayag ay paalala lamang tungkol sa malaking papel ng mga ito sa paghubog ng asal ng kabataan.