SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

54 na Pilipino sa Israel, humiling ng repatriation

Trade Secretary Cristina Roque talks to the Israeli delegation, including Israeli Minister of Economy and Industry Nir Barkat and Israeli Ambassador Ilan Fluss, for a possible free trade agreement between the Philippines and Israel.
Trade Secretary Cristina Roque talks to the Israeli delegation, including Israeli Minister of Economy and Industry Nir Barkat and Israeli Ambassador Ilan Fluss, for a possible free trade agreement between the Philippines and Israel.Raffy Ayeng
Published on

Umabot na sa 54 na Pilipino sa Israel ang humiling ng repatriation dahil sa patuloy at tumitinding bakbakan sa Middle East.

Ayon kay Philippine Ambassador to Israel Aileen Mendiola, 32 sa mga ito ay mga turistang kasalukuyang stranded, habang 22 naman ay mga overseas Filipino workers (OFWs) na nais nang makabalik sa Pilipinas.

Isa sa mga pangunahing hamon ngayon, ayon sa embahador, ay kung paano sila maililikas dahil kanselado ang mga flight papasok at palabas ng Israel, at sarado rin ang ilang land crossing sa bansa.

Dagdag pa niya, uunahin ng embahada ang mga turista dahil wala silang permanenteng tirahan doon. Nakikipag-ugnayan na ang embahada sa Ministry of Tourism ng Israel upang maisaayos ang kanilang agarang paglikas.

Hamon din sa kasalukuyan ang pagpapauwi sa labi ng nasawing Pinay caregiver na si Mary Ann Velasquez de Vera. Ayon kay Ambassador Mendiola, hindi pa ito agad maiuuwi sa Pilipinas dahil sa sitwasyon, ngunit patuloy nang tinatalakay ng kanilang team ang mga hakbang upang maipadala ang labi sa bansa, kasama ang asawa ng biktima na nasa Israel at ang kapatid nito na nasa Qatar.

Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), tinatayang nasa 2.5 milyong Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Middle East. Karamihan sa kanila ay nasa United Arab Emirates (UAE), Saudi Arabia, at Qatar, habang nasa 800 naman ang nasa Iran.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph