Skip to content
DYARYO TIRADA

Julie Anne San Jose ‘Rayver-inspired’

RAYVER Cruz

RAYVER Cruz

Kuha mula sa IG ni Rayver Cruz

Text size

Inspired si “Asia’s Limitless Star” Julie Anne San Jose sa paggawa ng musika—at ang kanyang insipirasyon: Walang iba kundi ang kanyang fiancé na si Rayver Cruz.

Matapos ang kanilang engagement, inamin ni Julie na mas ganado siyang magsulat ng mga kanta ngayon, lalo na’t siya na rin mismo ang nagpo-produce ng kanyang mga awitin.

“Since nasa songwriting journey ako ngayon, and ako na rin ‘yung nagpo-produce ng sarili kong songs, so I think yes, it’s about time to write another song for my fiance,” sabi ng singer-actress.

Also read ‘Plastikan’ pambansang sport ng pulitiko — VP Sara

Hindi lang si Julie ang sabik sa susunod nilang yugto bilang magkasintahan, dahil ibinahagi rin ni Rayver na inaabangan na niya ang kanilang wedding preparations. Para sa aktor, isa sa mga pinakamasayang bahagi ng pagpapakasal ang mismong proseso ng pagpaplano nang magkasama.

“Ayun naman ‘yung masaya dun e, ‘yung process ng planning,” saad ni Rayver.

Nakakuha na rin umano siya ng payo mula sa kanyang mga kaibigan, kabilang ang kapatid na si Rodjun Cruz, tungkol sa paghahanda sa kanilang kasal.

“Sabi rin ng friends ko, pati si Rodjun, ‘Masaya ‘yan, bro. Enjoyin niyo. Huwag kayong masyadong magpa-pressure. Sit down together,’” kuwento niya.

Dagdag pa ni Rayver, tumatak sa kanya ang payo na mula ngayon ay magkatuwang na sila sa pagdedesisyon sa lahat ng bagay. “Ang maganda kasi diyan, going onwards, same na kayong magde-decide sa lahat e. So excited na ako sa planning para sa wedding,” wika niya.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.