Skip to content
DYARYO TIRADA

Bea Binene ‘starstruck’ kay Claudine

BEA Binene

BEA Binene

Kuha mula sa IG ni Bea Binene

Text size

Ibinunyag ng aktres na si Bea Binene ang kanyang paghanga sa award-winning actress na si Claudine Barretto habang ginagawa nila ang upcoming horror-thriller movie ng Viva Films na "Morticia."

Para kay Bea, isang malaking karangalan ang makatrabaho ang tinaguriang "Optimum Star," na hinangaan niya dahil sa husay at propesyonalismo nito sa pag-arte. Isa ang "Morticia" sa mga bagong proyektong ibinigay sa kanya matapos siyang muling pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency kamakailan.

Ayon sa ka-loveteam ni Wilbert Ross, hindi niya makakalimutan ang karanasang makasama sa trabaho si Claudine.

Also read ‘Plastikan’ pambansang sport ng pulitiko — VP Sara

"It’s such an honor. Talagang kapag kaeksena mo siya, mapapanganga ka na lang!" kuwento ni Bea sa ilang miyembro ng entertainment media.

Lalo raw siyang humanga sa propesyonalismo ni Claudine kahit sunod-sunod ang kanilang mga eksena at pagod na sila sa maghapong shooting, lalo na sa linaw ng pagbibitiw nito ng linya at bilis sa pagbibigay-buhay sa karakter.

"She’s very professional. Kasi sa eksena, siyempre pagod na. Sunud-sunod eh. Pero yung lines, very professional. Wala nang actor’s cue. Basta pag-action, tumutulo na ang luha," namamanghang sabi ni Bea.

Bukod sa pag-arte, pinuri rin ni Bea ang natural na ganda at makinis na kutis ni Claudine, na inakala niya noong una ay dahil sa makapal na makeup.

"Sabi ko sa makeup artists niya, hindi naka-foundation? Balat lang? Ang ganda-ganda ng balat. Skincare lang daw yun," dagdag ng aktres.

Also read Padilla sumabog sa DPWH 2027 budget hearing

Ang "Morticia," na umiikot sa tema ng pagkakaibigan at pamilya, ay ididirehe ni Topel Lee at tampok din sina Mark Anthony Fernandez, Nathalie Hart at Maricel Morales.

Magsisilbi itong pagbabalik ni Claudine sa horror genre matapos ang matagumpay niyang pagganap sa pelikulang "Sukob" noong 2006.

Para naman kay Bea, kasunod ito ng tagumpay sa takilya ng pelikulang "Pee Mak" kasama si Wilbert Ross, habang patuloy niyang sinusubukan ang iba't ibang karakter at genre sa pelikula.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.