NCRPO naka-full alert para sa EDSA rites, protesta
Nagtaas ng operational readiness ang NCRPO para sa EDSA commemoration at Trillion Peso March sa Metro Manila.

Nagtaas ng operational readiness ang NCRPO para sa EDSA commemoration at Trillion Peso March sa Metro Manila.


The suspect allegedly claimed he had been instructed to recruit women who would falsely accuse Recto of availing their…

The death toll from tropical storm “Maymay” and the enhanced southwest monsoon rose Thursday after two siblings were…

In criminal proceedings, the Supreme Court has consistently ruled that resolutions of the Ombudsman are not subject to…

The investigator, who got too close to the flame — like the moth in Jose Rizal’s story that burned its wings and fell —…
Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. on Thursday ordered the immediate…
Nagtaas ng operational readiness ang National Capital Region Police Office para sa nalalapit na EDSA commemoration at sa ikatlong Trillion Peso March upang matiyak ang ligtas at maayos na daloy ng mga aktibidad sa buong Metro Manila.
Ayon sa NCRPO, naging mapayapa sa nakalipas na tatlong taon ang mga aktibidad kaugnay ng EDSA People Power. Ginamit ang mga nakaraang assessment bilang batayan sa paghasa ng kasalukuyang security plans, na nakatuon sa prevention, visibility, at timely response para sa maayos na takbo ng mga kaganapan.
Kabuuang 13,448 personnel ang ilalatag sa mga itinalagang convergence areas, pangunahing lansangan, transport hubs, at iba pang mahahalagang lokasyon sa Metro Manila. Kabilang dito ang 1,500 augmentation personnel mula sa Police Regional Office 3 at 1,500 mula sa Police Regional Office 4A upang palakasin ang puwersa ng NCRPO.
Magpapakalat din ng Civil Disturbance Management units, mobile patrol teams, intelligence operatives, at force multipliers upang mapanatili ang kaayusan, masiguro ang operational scalability, at mapalakas ang police visibility sa buong operational period.
Bilang bahagi ng paghahanda, pinaigting ng NCRPO ang mga hakbang sa seguridad at maagang interbensyon, kabilang ang visitation dialogues sa mga opisyal ng barangay, lokal na lider, at iba pang stakeholder upang palakasin ang kooperasyon at maiwasan ang posibleng abala.
Isasailalim sa full alert status ang NCRPO simula 21 February, 5 p.m., habang ang skeletal deployment ay nagsimula noong 22 February, partikular sa mga lugar na inaasahang pagdarausan ng mga paunang aktibidad.
Inatasan din ang lahat ng station commanders na paigtingin ang koordinasyon sa local government units at partner agencies, bantayang mabuti ang sitwasyon, at tiyaking nakahanda ang contingency measures.
Pinaalalahanan ang mga tauhan na pairalin ang maximum tolerance, magpakita ng pagpipigil, at panatilihin ang propesyonalismo sa lahat ng oras.