
Kim Chiu: Para saan ba 'yan? Ikabubuti ba 'yan ng ekonomiya ng Pilipinas?
May attitude na pala itong si Kim Chiu when it comes to answering question.
Napatunayan namin ito noong mediacon ng "The Alibi." Pinatanong kasi sa amin ni Alwyn Ignacio kung ano ang real score sa kanila ni Paulo Avelino.
Aba, biglang nagmaganda itong si Kim. Sabi ba naman ng hitad, "Para saan ba 'yan? Ikabubuti ba 'yan ng ekonomiya ng Pilipinas?"
Yes, ganyan na siya kabarubal sumagot sa mga tanong ngayon. Feeling pabibo, eh, hindi naman talaga matalino.
May nagsabing kaya ganoon na magsasagot si Kim ngayon ay dahil sa pakikipagbarkada niya sa "It's Showtime" host na si Vice Gsnda.
Alam mo Kim, napakasimple lang ng tanong pero hindi mo masagot nang diretso. Puwede ka namang tumanggi o kaya magsabi ng no comment pero pinili mo ang magpabibo.
Nakalimutan mo yata na during a presscon, ang responsibility ng celebrities ay sumagot sa tanong at hindi magtanong.
Eh, paano kung itanong ko sa iyo kung makakatulong ba sa ekonomiya ng Pilipinas ang panonood ng "The Alibi," paano mo ito sasagutin.
Feeling superstar ka na ba now, Kim? Gumising ka, ha. Wala ka sa kalingkingan ni Judy Ann Santos o Claudine Barretto na magalang sumagot at hindi nag-a-attitude sa press. Nalunod ka na sa konti mong success. Eh, para sa amin isa kang glorified starlet at hindi superstar.
With your attitude sa question and answer ng "The Alibi," parang gets na namin kung bakit ka iniwan nina Gerald Anderson at Xian Lim.