Skip to content
DYARYO TIRADA

Heart Evangelista pinagkaguluhan sa Indonesia

Heart Evangelista pinagkaguluhan sa Indonesia
Text size

Ipinakita ni Heart Evangelista ang kanyang fashion power nang maging panauhing pandangal siya sa pagbubukas ng physical store na Vone World, sa Indonesia kamakailan.

Pinagkaguluhan si Heart ng Indonesian socialites, influencers at vloggers sa pagbubukas ng nasabing luxury store.

Isang young socialite ang lumapit kay Heart at sinabing big fan siya ng global fashion icon. Mangiyak-ngiyak pa ang socialite habang ikinukuwento niya kung paano niya naging idol si Heart at kung paano niya sinuportahan ang social media posts nito.

Isang male influencer naman ang nagdala ng magazine kung saan cover si Heart at pinapirmahan niya ang mga ito sa aktres.

Ang pagdumog kay Heart sa Indonesia ay patunay na kilalang-kilala si Heart bilang global fashion icon na may fans and supporters maging sa ibang panig ng mundo. Patunay rin ito ng kanyang hindi matatawarang star power sa Asia

Bukod sa kanyang global fashion sense ay unti-unti na ring nakikilala si Heart sa kanyang pagpasok sa jewelry business. Patunay dito ang sold-out two-day online live selling ng kanyang idinisenyong mga alahas na nagkakahalaga ng milyon.

q q q

Kumalat sa social media ang pre-nup photos nina Carlos Yulo at Chloe San Jose.

Also read 75th Miss Universe hosts, commentators inihayag

Kalakip ng photos ang caotion ni Carlos: “See you soon. Happily ever after.”

Kaya lang, marami ang nam-bash sa two-time Olympic gold medalist. Kasi naman, sa interview ng magdyowa sa Youtube show ni Karen Davila, natanong ng broadcaster kung iimbitahan ni Carlos ang kanyang ama’t iba sa kanilang wedding. Negative ang sagot ni Carlos na sinabing ayaw niyang masira ang kanyang wedding day.

Sa paglabas ng prenup photos nina Carlos at Chloe, hindi napigilan ng netizens na tarayan si Carlos sa kanilang comment.

“Never use Panginoon as sentro ng inyong relasyon, dahil nasa 10 Commandments ang Honor your Father and Mother, which hindi nyo sinunod. Just get married and that’s it! Be happy for yourself if for you that’s enough. You don’t need them anymore kasi matigas na buto mo and magaling ka ng mag tumbling!!!!” say ng isang guy.

“may curse ang kanilang kasal....walang blessing ng mga magulang..GOOD LUCK,” komento naman ng isang netizen.

“Hindi na nga sya pinapansin ng parents nya at hinahayaan na sya sa new family nya...aba’y binilang pa nya ung mga naibibigay nya sa parents nya...nasulsulan kac ng tita clone nya inisip ng inisip simula ng kung ano ang na ibigay nya sa magulang nya at isinumbat marami na daw sya naibigay sa magulang nya ...natural magulang nya yon,” himutok ng isang fan.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.