SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Aguirre, itinanggi ang papel sa ‘common plan’ ng EJK

DATING justice secretary Vitaliano Aguirre II, pinabulaanan ang ICC allegations sa crimes against humanity
DATING justice secretary Vitaliano Aguirre II, pinabulaanan ang ICC allegations sa crimes against humanityPhoto from VERA.
Published on

Mariing itinanggi ni dating justice secretary Vitaliano Aguirre II ang alegasyong idinadawit siya sa crimes against humanity charges na inihain sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng anti-drug campaign ng administrasyong Duterte.

Sa pahayag na ipinadala sa media noong Linggo, 15 February 2026, sinabi ni Aguirre na wala siyang kinalaman sa anumang extrajudicial killings (EJKs) at tinawag na walang basehan ang paratang na bahagi siya ng umano’y “common plan.”

“Wala akong kinalaman sa akusasyon nila sa akin ng Crimes against Humanity. I did nothing wrong,” ani Aguirre.

Sa public lesser redacted version ng “Document Containing the Charges” (DCC) na inilabas ng ICC bago ang confirmation of charges hearing sa 23 February, kabilang si Aguirre sa mga pinangalanang umano’y co-perpetrators ni dating pangulong Rodrigo Duterte, kasama sina Senators Christopher “Bong” Go at Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon sa ICC prosecutors, may umano’y “common plan” sina Duterte at iba pang opisyal upang “i-neutralize” ang mga pinaghihinalaang kriminal, kabilang ang mga iniuugnay sa ilegal na droga, sa pamamagitan ng mararahas na krimen mula 1 November 2011 hanggang 16 March 2019.

Kinilala si Aguirre bilang dating legal counsel ni Duterte at ng mga pinaghihinalaang miyembro ng tinaguriang Davao Death Squad noong alkalde pa ng Davao City si Duterte. Nagsilbi rin siyang justice secretary mula 30 June 2016 hanggang 5 April 2018.

Inamin ni Aguirre na naging abogado siya ni Duterte noong 2009, ngunit iginiit na ito ay bahagi lamang ng kanyang propesyon bilang lawyer.

“That’s true. But I was just exercising my profession as a lawyer, and nothing is wrong with that. I never conspired or participated in any extrajudicial killings,” aniya.

Iginiit din ng dating kalihim na wala siyang sinuportahan o ipinatupad na EJKs noong siya ay nasa DOJ. Aniya, may mga taong pilit umano siyang idinadawit upang palakasin ang kaso laban kay Duterte.

Binigyang-diin ni Aguirre na hindi siya bahagi ng implementasyon ng war on drugs, at binanggit ang kanyang naging papel sa pagdala sa Malacañang ng mga pamilya nina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, at Reynaldo “Kulot” de Guzman.

Matapos umano ang pulong, sinabi ni Aguirre na kinasuhan at nahatulan ang mga pulis na sangkot sa mga insidente.

Kabilang din sa pinangalanan ng ICC prosecutors bilang umano’y co-perpetrators ang ilang dating opisyal ng Philippine National Police (PNP), habang patuloy ang proseso ng confirmation of charges na magpapasya kung may sapat na ebidensiya upang ituloy ang paglilitis.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph