Kathryn Bernardo, huli, pero, hindi kulong, may pasabog sa 23 Pebrero?


Dito, doon at kung saan-saang social medial sites bumulaga ang mga larawan, at yung iba ay bidyo pa nga kung saan makikita sa mga ito sina Kathryn Bernardo, kasama ang binatang pinakamalapit sa kanya sa kasalukuyan, si Mayor Mark Alcala, na magkasama sa isang yayamanin mall.
Wala na makatili na “AI” ang mga ito. Wala na ring tumalak na hindi si binibining Bernardo ang nasa mga larawan at bidyo. Wala na ring humingi ng mas malinaw pang mga kopya o yung anggulo na harap na harap ang magkalapit sa isa’t-isa.
May mga Kathryn Bernardo fans na tanggap na nila agad at maligaya sila sa pagpapakasasa ni Queen Kath sa kaligayahan. Meron namang nasa yugto ng pagtanggi pa rin ang kinalalagyan. Meron rin siyempreng malay ko at pakialam ko ba sa romansahang KathMark lalo na ngat nasa hustong gulang na ito. Sa Pebrero 23, 30 gulang na si ginoong Alcala. Sa paparating na buwan, sa 26 Marso, magkaidad na si Bernardo at natatangi niyang Punong Lungsod ng Lucena.
Ang pangmalakasang chika na umuugong ngayon sa Ekis matapos mahuli, pero hindi naman ikukulong ang KathMark, ay sa kaarawan ni Punong Lunsod Alcala, ayon sa pangkat katkatera na may basbas ni Manang Bola na siyang nagma-may ari sa “perlas na bilog, huwag tutulog,” magpapaka-totoo na ang dalawa, walang halong pag-iimbot at buong katapatan na aaminin na sila nga ay magka-relasyon, na ito ay lubos, wagas at malalim na pagmamahalan at ang pinagsasaluhan nilang magsing-irog ay isang ngayon, bukas, at magpakailanmang romansahan.
Sa idad nila Bernardo at Alacala, hindi na nila kailangan pa ang basbas ng kanilang magulang kung sakaling ang nais na nila ay ipagsigawan na ang kanilang pangako sa isa’t-isa na: “Sa yaman at kahirapan, sa sakit at sa kalusugan, Mamahalin at kakalingain hanggang kamatayan.”
Juice colored! Nakita lang magkasama sa isang mall, ang aabangang susunod na kabanata, mabuhay ang bagong kasal agad-agad? Ay! Ang bongga!
Kung tunay at walang halong kiyeme latik at hindi kuryente ang inilalakong chika na mula sa mga taga-pamgkat katkatera, ang proyektong magkasama sina Bernardo at James Reid na may pamagat na “Someone, Someday,” iitutuloy at susugalan pa kaya?
Ngayong hindi na pulos chikang walang resibong mailabas ang kaugnayan nina Kathryn Bernardo at Mayor Mark Alcala, nawa’y mas marami pa ang mga pagkakataong makikita na sila ay maligayang magkasama at ang pag-amin tungkol sa kanilang relasyon ay hindi na dapat hintayin pa sa malapit na hinaharap, dapat now na ito.
