Skip to content
DYARYO TIRADA

Klase suspendido sa ilang lugar dahil sa bagyong Ada

NAGDEKLARA ang ilang mga lokal na pamahalaan ng walang pasok sa Region V at VIII dahil sa Bagyong Ada.

NAGDEKLARA ang ilang mga lokal na pamahalaan ng walang pasok sa Region V at VIII dahil sa Bagyong Ada.

Larawan mula sa DOST-PAGASA/ Facebook.

Text size

Nagsuspinde ng klase ang ilang lokal na pamahalaan sa bansa dahil sa epekto ng Bagyong Ada.

Kabilang sa mga nag-anunsyo ng walang pasok ngayong araw ang mga sumusunod:

Region V

  • Albay – Walang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado.

  • Sorsogon – Suspendido ang klase sa lahat ng antas.

  • Bula, Camarines Sur – Kanselado ang klase mula Kinder hanggang Grade 6.

Region VIII

  • Eastern Samar – Walang pasok sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado.

  • Kawayan, Biliran – Suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado, simula kahapon.

  • Catbalogan City, Samar – Walang pasok sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado.