Skip to content
DYARYO TIRADA

Ysabel Ortega umalma sa breakup rumors

MIGUEL Tanfelix, Grace Tanfelix and Ysabel Ortega.

MIGUEL Tanfelix, Grace Tanfelix and Ysabel Ortega.

PHOTOGRAPH COURTESY OF IG/MIGUEL TANFELIX

Text size

Tinuldukan na ng Kapuso actress na si Ysabel Ortega ang kumakalat na espekulasyon tungkol sa umano’y hiwalayan nila ng kaniyang nobyong si Miguel Tanfelix.

Diretsahang sinagot ng aktres ang isyu nang sumalang siya sa segment na “Chika o Add to Cart” ng programang “Chika Cart” sa GTV kung saan pinapipili ang mga bisita kung haharapin ang mainit na showbiz issue sa pamamagitan ng “Chika” o iiwasan ito gamit ang “Add to Cart.”

Pinili ni Ortega ang “Chika” at sinagot ang tanong tungkol sa naging solo backpacking trip ni Tanfelix sa South America na iniuugnay sa umano’y breakup nila.

“Hindi ko alam kung saan nila nakuha ‘yun na nag-break kami porket nag-solo trip siya,” mabilis na sagot ng aktres.

Paliwanag niya, matagal nang hilig ng aktor ang mag-solo trip bago pa sila nagkakilala.

“Isa ‘yun sa mga bagay na natutunan ko kay Miguel, ginagawa niya na ‘yun bago pa kami nagkakakilala. Mahilig siyang mag-backpacking. Kasi gano’n nga siya ka-adventurous na ang hilig niyang mag-solo trip sa kung saan-saang bansa, tapos birthday gift nga niya ‘yon sa sarili niya,” dagdag ni Ortega.

Sa halip na pigilan, todo-suporta pa raw si Ortega sa mga personal na bucket list ng aktor, lalo’t magkaiba sila ng hilig pagdating sa pagbiyahe.

“So, ako siyempre, go. Gawin mo lahat ng gusto mo gawin, explore life. Tsaka, napag-usapan din namin ‘yun na parang kung gusto ko na kasama ako sa mga trip niya, siyempre mag-iiba rin ‘yung dynamic ng biyahe niya kung kasama niya ako,” kuwento ni Ortega.

Also read MMDA, pinatigil ang paglilipat ng barriers sa EDSA

“Bilang ako ay hindi naman as adventurous, hindi backpack ang dadalhin ko doon, maleta ang dadalhin ko doon. Ano ‘yun? Dadalhin niya ako para magbuhat siya ng maleta ko?” biro pa niya.

Kahit malayo sa isa’t isa noong nasa South America si Tanfelix, hindi raw naging hadlang ang distansya sa kanilang komunikasyon dahil araw-araw pa rin silang nag-uusap.

“Tanggap ko naman ‘yun. Kailangan niya rin ‘yun para sa mga bucket list niya. Natuwa rin naman ako kasi noong time na ‘yun, araw-araw kaming magkausap. Kinukuwentuhan niya ako, sine-send niya ‘yung mga pictures niya sa akin,” sabi ng dalaga.

“’Yun din naman ang na-appreciate ko sa kanya, kahit solo siyang nag-explore, naisip niya pa rin naman ako,” dagdag ng aktres.

Matatandaang noong Setyembre 2025, nagtungo si Tanfelix sa South America upang ipagdiwang ang kaniyang kaarawan at tuparin ang pangarap niyang backpacking adventure.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.