Andrea Brillantes, happy na karera, happy pa sa romansa



Rumesbak si Palace Press Officer undersecretary Claire Castro sa daing ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ukol sa…

Tiniyak ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na magpapatuloy ang programa ng pamahalaan na pagbebenta ng…
Ito ang saad ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager, Nicolas Torre III, matapos tumambad ang…
Umarangkada na ang panibagong rollback sa presyo ng diesel, gasolina, at kerosene na umaabot sa halos P5 kada litro.

Sixteen years na si Alexa Ilacad sa showbiz at dumating siya sa punto na gusto na niyang mag-quit.
Siyento porsiyentong aprubado at go for gold ang pagtanggap ng parentals, kasama na diyan ang mga kapatid at kamg-anak incorporated ng kanyang boyfriend na si Pankie Capistrano, ang bathaluman sa Singko, ang nag-iisang si Andrea Brillantes.
Ang” A Secret In Prague” bida nagmumura ang kanyang kagandahan at kaseksihan ni Blythe sa kasalukuyan at ang malaking dahilan nito, siempre pa ay ang kanyang iniirog, si young Capistrano.
Sa true lang at walang halong kiyeme latik, kahit pa nga hindi na magkandaugaga si Brilllantes dahil sa kanyang showbiz career at mga negosyo ay nabibigyan pa rin niya ng panahon ang kanyang sarili pati na ang mga mahal niya sa buhay.
Chika ni Brillantes bago magsimula ang “Tara, Kapatid” payanig ng TV5 na nangyari sa MVP Studios kamakailan: “Very important po kasi sa akin na meron akong oras para sa sarili ko para hindi ako nasu-super overwhelm sa lahat po ng gagawin ko. Need ko ang me time… with my special someone, with my friends, my family. Lahat nabibigyan ko naman ng oras.”
Dahil nga me time na ang paksa, naurirat tuloy sa aktres ang relasyon niya kauy young master Capistrano na siguradong-sigurado, pangmalakasan ang partisapasyon sa kanyang I, me, myself moments like these: “Very supportive naman po siya.”
Eh, ano naman ang masasabi niya sa mga naglalabasang video at litrato nila ni Pankie na magkasama sa social media na ipino-post ng mga netizens kahit na walang paalam? “Dead ma na lang ako,” maagap na sagot ni Brillantes. “Wala rin naman talaga akong magagawa. Yung mga ganiyan, kasama na sa pagiging artista. Hindi maiiwasan.”
Mas pinipili ni Andrea na bigyan pasasalamat at pansin ang mga positibong reaksyon sa kanya kesa bigyang dignidad ang mga kanegahang komento mula sa mga netizen.
Aniya: “Kapag inisip ko nang inisip ang sinasabi ng mga tao, maloloka talaga ako. Kasi never ko sila mapi-please. Hindi ko na lang iniisip yung mga iniisip nila. Basta ang importante, kung ano ang alam kong totoo, kung ano ang nakikita ni Lord, yun lang!”
Nag-meet the parents na pala siya na naganap noong Holy Week sa hometown nila Franchesko sa Lucban, Quezon.
“Very tight naman po ako with the family. Happy!” ang masayang pagkwekwento ni Brillantes.