Skip to content
DYARYO TIRADA

Third runner-up win ni Bea Millan-Windorski prinotesta

Third runner-up win ni Bea Millan-Windorski prinotesta
Text size

Galit na galit ang Pinoy fans sa pagkapanalo ni Jennifer Barreto ng Puerto Rico sa katatapos na Miss Universe 2026.

Marami ang kumukiwestyon sa resulta ng pageant at marami ang naniniwalang luto ang pagkapanalo ng Miss Puerto Rico. Ang paniwala nila, honetown decision ang nangyari dahil ang Puerto Rico ang host country.

Sa social media ay umapaw ang protesta ng Pinoy fans.

Also read Teodoro iginiit ang deterrence sa ilalim ng PH-US MDT

“Last year masarap pagkakaluto. This year sobra pa sa sarap ang pagkakaluto,” say ng isang netizen.

“Ang lutong naman na plot twist. Kuha niyo inis ko,” say ng isa pang avid pageant fan.

Hindi nagpatalo ang isang guy at ito ang hanash niya: “Bias nanaman nasa middle palagi si mima Puerto Rico ah HAHAHAH, top 30-15, top 12- 6, top 5 middle placement HAHAHAH Obvious na na mananalo Yan HAHA,” one fan said.

“Cooking Show..naabutaan ng time. Nanalo pa,” tili naman ng isang faney.

Para sa ilang fans, mas deserving ng Miss New Zealand ang korona kaysa kay Miss Puerto Rico.

Also read Seafarer Documents validity, ginawang sampung taon

“Tanggap ko pa kung new zealand ang manalo eh, pero niluto na!” say ng isang supporter.

“Tanggapin pa sana namen kung 1st Runner-Up pero matik nayan nag luto nanaman,” paniwala naman ng isang guy.

Sa paniwala ng maraming Pinoy, the best answer sa final question ang sagot ng pambato ng Pilipinas.

Maging ang It’s Showtime host na si Vice Ganda ay naniniwalang dapat na si Bea Millan-Windorski ang nanalong 2026 Miss Universe

“Dapat nga siya nanalo e… Nanalo Puerto Rico,” sat ni Vice Ganda recently sa “It’s Showtime.”

Medyo nabahala lang si Vice Ganda dahil parang pumiyok si Bea sa kanyang introduction.

“Kinabahan ako sa simula kay Bea. Pumiyok sa intro, buti walang nagbilang na judges,” say niya.

“Just my opinion-- for the 2nd and common question, I felt that Puerto Rico’s answer was very pageant patty. She had an interpreter but quickly answered in English which to me seemed memorized. She wasnt confident in the way she answered, one can read from her body language that there was something off. I actually thought because of that, she’d end up with the last placement or as the 4th runner-up. I think Bea W. of the Philippines deserves the crown, but I’m not one of the judges so ‘it is what it is,’” say ng isang pageant enthusiast.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.