Skip to content
DYARYO TIRADA

PNP kay Atong Ang: Sumuko ka na!

CHARLIE “Atong” Ang

CHARLIE “Atong” Ang

Text size

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang na sumuko na sa mga awtoridad kasunod ng paglabas ng panibagong warrant of arrest laban sa kaniya kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.

Sinabi ni Police Brig. Gen. Allen Rae Co, hepe ng Public Information Office ng Philippine National Police, na ito na ang tamang panahon upang sumuko si Ang kung naniniwala siyang inosente siya sa mga paratang.

Ayon kay Co, bineberipika ng pulisya ang lahat ng natatanggap na impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Ang.

Nauna nang naglaan ang mga awtoridad ng P20-milyong pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyong magreresulta sa agarang pagkakaaresto kay Ang.

Matatandaang naglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court Branch 175 laban kay Ang at sa sinibak na pulis na si Police Lt. Ryan Jay Orapa dahil sa umano’y pagkakasangkot nila sa pagkawala ng mga sabungero.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.