SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Nikko Natividad pumalag sa blind item

Marami ang kumampi kay Nikko.
Marami ang kumampi kay Nikko.Facebook
Published on

Pinalagan ng aktor at social media personality na si Nikko Natividad ang isang blind item ng isang never-heard performer na si Marya Sunga.

"Nakakaloka 'yung nakasama kong artista na [lalake] sa isang raket sa Fiesta, nagmamadali sa performance pagtapos takbo agad sa van tapos uwi parang ipo-ipo. Jusko 'di ka naman sikat na bongga! Kung 'di ka pa mag-bakla-baklaan sa reels mo wala ka-ma content. Feeling feeling! Si Alden Richards nga na apaka-pogi, sikat, masarap, [at] mabango walang ka arte-arte sa fans. Ikaw,  jusku! Sabi nga ni booker, 'Di na mauulit 'yan.' Ayoko na mag-HASSSTAG. Nako naku naku.. 'Wag na!"

'Yan ang aria ni Marya na kalaunan ay binura niya sa kanyang Facebook account.

Kaagad itong nirepost ni Nikko sa kanyang Facebook at Instagram account.

"Bakit mo binura? See you sa next raket. Next time sa bahay niyo ako didiretso, hindi na sa van," sagot ni Nikko.

"Hindi ba inupload ni kapitan mga pina video greet nya saken? Hindi ba nila inupload mga solo pic ng buong pamilya nya saken? At isa pa hindi obligasyon ng performer pumunta at kumaen sa bahay ng kapitan para mag meet and greet. May choice pong humindi. At malamang diretso van ako,bakit san mo ako gusto pumunta after performance ko?Sa bahay nyo?Nahiya kapa pangalanan ako cute mo," dagdag pa niya.

Marami ang kumampi kay Nikko.

"Iba-iba naman talaga bayad, depende 'yan sa napag-usapan. Kahit sino naman, artista, make-up artist, cameraman, sound system, etc — iba po ang singil kung may ipapadagdag kayong serbisyo. Sa computer shop nga, may bayad kapag nag-extend eh, artista pa kaya?Syempre oras at talent ang binabayaran niyo. Hindi naman pwedeng marami kayong demands tapos ang ibabayad niyo, TY lang. Mapapagalitan din kasi sila ng agents nila (if meron) kung tatanggap sila ng libreng meet & greet or kahit ano pa. Wala na kayong pakielam kung gusto niyang pumasok sa van, as long as ginawa niya naman ang trabaho niya. Mga Pinoy kasi abusado sa kapwa Pinoy eh, di porket binayaran eh alipin niyo na. Saka nagpa picture naman pala siya sa iba, baka hindi lang nakasingit si atigirl."

:Mukang fiesta samen ung post ah hahhaahaha. .Basta aq nakapag picture sau nun time na yan. . . binuhat pa nga kita at nagyakapan tau at may mga video pa nga. super aliw ka tlga at mabait pa."

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph