Kathryn Bernardo feeling part ng pamilya Alcala

Feeling ni Kathryn Bernardo ay talagang Kapamilya na ang turing sa kanya ng mga kamag-anak ng rumored boyfriend niyang si Lucena Mayor Mark Alcala.
Um-attend kasi ang “Someone, Someday” star ng 18th birthday celebration ni Francine Benitez—pinsan ni Lucena City Mayor Mark Alcala at kapatid ni Zild Benitez (former frontman of IV of Spades) and Justine Benitez (na kasama sa glam and styling team ni Kathryn).
Nag-viral ang video nang dalaga kung saan nagpasalamat siya sa warm welcome ng pamilya ng may birthday sa kanya.
“Thank you for allowing me to part of this beautiful and very intimate celebration. Thank you also for welcoming us sa pamilya nyo. Ang saya po maging part ng pamilya na ‘to,” say ni Kathryn sa isang video.
Sa ilang photos online, kitang-kita ang pag-aasikaso ni Mark kay Kathryn. Talagang espesyal ang turing niya sa dalaga.
Kahit hindi umamin ay obvious namang magdyowa na sina Kathryn at Mark.
Nag-sorry sina Mikee Quintos at Cianne Dominguez matapos silang mabatikos dahil sa umano’y pagkutya at pangagaya nila sa isang taong may kapansanan o persons with disabilities (PWD).
Sa “Pinoy Big Brother Collab 3.0”, ipinatawag ni Kuya si Mikee dahil sa tila paglabag nila sa PWD law. Idiniin ni Kuya ang insensitivity ni Mikee dahil sa tila pang-iinsulto nito sa may kapansanan na umani ng batikos sa outside world. Maging ang National Council on Disability Affairs (NCDA) ay nag-react at umapela sa programa na maging sensitive naman sa kalagayan ng mga taong may kapansanan.
In-acknowledge naman agad-agad ni Mikee ang kanyang pagkalamali at nag-sorry.
“Sa lahat po ng na-offend ko sa pagbibiro ko for being insensitive, I sincerely apologize. I have no intention of hurting anyone and I am fully aware that my jokes can cross lines,” say ni Mikee.
“Wala talagang excuse for being insensitive about things like that. Nakalimot ako, pasensya na. I promise to be more sensitive with my jokes,” dagdag pa niya
“I’m sorry again sa lahat ng nanonood, nahihiya ako sa inyo. Most of all, nahihiya ako sa mga magulang ko. So, sorry Mom ana Dad ana to my whole family. I hope I’ll do better,” say pa ng Kapuso actress.
Sa “PBB Talk” ay humingi rin ng tawad ang It’s Showtime host na si Cianne.
“Ayoko kasing mag-explain to justify eh. Ayokong ma-feel ng mga tao na jina-justify ko yung nangyari. Pero yung intention ko po talaga doon is not to mock anyone or disability. Hindi po talaga. Pero I acknowledge na may mga na-hurt, may mga hindi naka-feel na parang hindi nga po comfortable sa ginawa ko, sa nasabi ko,” say niya.
“And I take full responsibility sa kung ano po nangyari. And I’m so sorry po. Sobrang sorry po. And yun po, ina-acknowledge ko po yung nangyari na yun. Sorry and I promise na wala nang mangyayari pong ulit na ganun,” dagdag pa ng dalaga.







