Skip to content
DYARYO TIRADA

PBBM: No barrier sa expressway bago matapos taon

PBBM: No barrier sa expressway bago matapos taon
Text size

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtanggal ng mga barrier sa lahat ng expressway sa bansa bago matapos ang 2026 bilang bahagi ng pagsusulong ng mas mabilis at episyenteng sistema ng pagbabayad ng toll.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, inaasahang makatitipid sa oras at gasolina ang mga motorista sa ilalim ng ipatutupad na barrierless system dahil mas magiging mabilis ang pagpasok at paglabas ng mga sasakyan sa mga tollgate.

Kaugnay nito, inatasan na ng Department of Transportation ang mga expressway operator na magsumite ng kani-kanilang action plan at readiness assessment bilang paghahanda sa pagpapatupad ng bagong sistema.

Kabilang sa mga pangunahing susuriin ang kahandaan ng RFID at iba pang cashless payment systems, automatic number recognition cameras, high-speed RFID readers, at iba pang teknolohiyang kinakailangan upang matiyak ang maayos na operasyon ng barrierless toll system.

Inatasan ang mga operator na isumite ang kanilang mga ulat sa Toll Regulatory Board bago ang 21 Disyembre.

Bahagi ito ng paghahanda para sa pilot implementation ng barrierless system na target simulan bago matapos ang 2026.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.