Skip to content
DYARYO TIRADA

Dalawang ginto, sinilat ng PH Volcanoes

Dalawang ginto, sinilat ng PH Volcanoes
Text size

Basta rugby, magaling ang mga Pinoy!

Muling naghari ang Philippine Volcanoes matapos kapwa masungkit ng men’s at women’s teams ang kampeonato sa Asia Rugby Emirates Sevens Trophy 2026 sa Taipei Municipal Stadium sa Chinese Taipei, nitong Linggo, 22 Nobyembre.

Walang talo ang dalawang koponan sa kani-kanilang group stage matches upang makapasok sa semifinals at tuluyang makuha ang puwesto sa championship round.

Also read Adamson, FEU maghaharap sa SSL Finals

Nagtapos sa semifinals ang women’s team sa impresibong 50-0 panalo kontra Chinese Taipei, habang dinurog naman ng men’s team ang Bangladesh, 45-0, upang makaharap ang Chinese Taipei sa finals.

Hindi na nagpaawat ang women’s team sa championship match at pinataob ang Guam, 12-0, upang masungkit ang gintong medalya. Binuksan ni Isla Alejandro ang iskor at siya rin ang nag-convert sa kanyang try, bago nagdagdag ng isa pang try si Vanessa Hachiles Cifuentes bago ang halftime.

Napanatili ng women’s team ang matibay na depensa sa second half upang makumpleto ang limang sunod na shutout. Nagtapos ang koponan sa torneo na may kabuuang 200 puntos na naitala at walang ipinahintulot na puntos sa mga kalaban.

Mas dikit naman ang naging laban ng men’s team kontra Chinese Taipei, ngunit nanaig ang Volcanoes, 19-14, upang makuha ang ikalawang ginto para sa bansa.

Nag-iskor si Ethan Tyler Moxley bago at matapos ang halftime, habang matagumpay na na-convert ni Ryan Rodriguez Curtis ang dalawang try upang ilayo ang Pilipinas sa 14-0.

Nakabawi ang Chinese Taipei sa pamamagitan ng penalty try at isa pang converted try upang maitabla ang iskor sa 14-14. Gayunman, nairaos ni Donald Canon Coleman ang winning try upang tuluyang selyuhan ang panalo ng Pilipinas.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.