Skip to content
DYARYO TIRADA

Philta, sasamantalahin kasikatan ni Eala

ALEX Eala

ALEX Eala

GLYN KIRK/AGENCE FRANCE-PRESSE

Text size

Nais ng Philippine Tennis Association (Philta) na gamitin ang lumalaking interes ng mga Pilipino sa tennis na dala ng pagsikat ni Alex Eala upang palakasin ang grassroots program nito at mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga batang manlalaro sa buong bansa.

Ayon kay Philta secretary general John Rey Tiangco, nahikayat ng pag-angat ni Eala sa ika-15 puwesto ng Women’s Tennis Association (WTA) Tour ang mas maraming Pilipino na subukan ang tennis, dahilan upang palawakin ng asosasyon ang paghahanap ng mga bagong talento.

“We’re trying to maximize that opportunity. A lot of people want to play So we’re focusing now on our grassroots program,” ani Tiangco.

Nakikipagtulungan din ang Philta sa mga paaralan upang maisama ang tennis sa kanilang physical education programs. Patuloy rin itong nagsasagawa ng mga pambansang torneo sa iba’t ibang bahagi ng bansa at coaching sessions para sa mga baguhan.

“Just imagine — if more people gave it a try, there would surely be many talented individuals. Alex has already shown that Filipinos can excel in tennis,” ani Tiangco.

“So, we just need to build on that momentum and develop an entire ecosystem. Hopefully, within five to seven years, we’ll see emerging talents who will also excel and gain recognition,” dagdag niya.

Bukod dito, tinutugunan din ng Philta ang kakulangan ng mga pasilidad na maaaring gamitin ng mga tennis player. Kabilang sa plano nito ang pagdaragdag ng mga tennis court sa Rizal Memorial Sports Complex kapag may mga lugar nang maaaring paglagyan ng mga ito.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.