Skip to content
DYARYO TIRADA

Paglilitis sa ICC laban kay Rody, nalalapit na

Dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Litrato galing kay Iroschka Van De Wouw/POOL/AFP

Text size

Nagbigay umano ng panibagong pag-asa sa mga pamilya at biktima ng kampanya kontra droga ang nalalapit na paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), ayon kay Truth Commission spokesperson Carlos Conde.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Conde na mahalaga ang pagsisimula ng paglilitis hindi lamang para sa mga biktimang direktang bahagi ng kasong dinidinig ng hukuman, kundi maging sa iba pang pamilyang naapektuhan ng war on drugs na matagal nang naghihintay ng pananagutan at hustisya.

Ipinaliwanag ni Conde na bagama’t hindi pa tiyak kung gaano tatagal ang proseso at kung ano ang magiging hatol ng mga hukom, mahalaga pa rin ang pagkakataong mailahad ng mga biktima ang kanilang mga karanasan sa harap ng international community.

Nakatakdang simulan sa Nobyembre 30 ang paglilitis kay Duterte sa ICC kaugnay ng mga kasong crimes against humanity—kabilang ang murder at attempted murder—na may kaugnayan sa mga umano’y pagpatay noong siya ay alkalde ng Davao City at pangulo ng Pilipinas.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.