Skip to content
DYARYO TIRADA

PH U-17, bigong makapasok sa AFC Asian Cup

Kai Müller (7), ng  Philippines Men’s National Football Team (PMNFT) U-17, matapos maka-iskor kontra Cambodia.

Kai Müller (7), ng Philippines Men’s National Football Team (PMNFT) U-17, matapos maka-iskor kontra Cambodia.

Photo courtesy of PFF

Text size

Tinapos ng Philippine Men’s National Football Team Under-17 ang kampanya nito sa 2027 AFC U-17 Asian Cup Qualifiers sa pamamagitan ng 2-2 tabla kontra Afghanistan nitong Biyernes, 20 Nobyembre.

Kumamada ng dalawang goal ang U-17 boys sa pangunguna nina Alejo Paradies, na umiskor sa ika-12 minuto, at Filipino-German na si Kai Müller, na nagdagdag ng isa pa sa stoppage time ng unang half (45+2).

Tinapos ng koponan ang kampanya sa Group A na may isang panalo, isang tabla at dalawang talo, sapat lamang para sa ikaapat na puwesto.

Also read VP Sara impeachment tuloy sa Disyembre

Nakuha ng PMNT U-17 ang nag-iisang panalo nito kontra Cambodia, 2-1, sa pangunguna ni Müller na umiskor ng dalawang goal. Gayunman, natalo ito sa Indonesia, 3-0, at sa host na Myanmar, 3-1, bago nakipagtabla sa Afghanistan.

Dahil dito, hindi nakasama ang Pilipinas sa 16 na koponang sasabak sa 2027 AFC U-17 Asian Cup sa Uzbekistan mula 13 hanggang 29 Mayo 2027.

Pitong koponan ang nakakuha ng puwesto matapos manguna sa kani-kanilang grupo sa qualifiers. Kabilang dito ang Indonesia, Iraq, Syria, Iran, India, Yemen at Lebanon.

Makakasama nila ang siyam na koponang awtomatikong kwalipikado matapos kumatawan sa Asian Football Confederation sa 2026 FIFA U-17 World Cup sa Qatar: Australia, China, Japan, South Korea, Qatar, Saudi Arabia, Tajikistan, Uzbekistan at Vietnam.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.