Skip to content
DYARYO TIRADA

Rosario hahalili kay Abando

Rosario hahalili kay Abando
Text size

Naudlot ang inaasahang pagbabalik ni Rhenz Abando sa Gilas Pilipinas matapos magtamo ng right ankle injury sa laro ng kanyang koponang Anyang Jung Kwan Jang Red Boosters kontra Busan KCC Egis sa Korean Basketball League (KBL) nitong Huwebes.

Maraming fans ang nabuhayan ng loob sa pagpasok ni Abando sa line-up ng Gilas, kaya naman ikinadismaya ng ilan ang balitang hindi na siya makalalaro sa nalalapit na window.

Isa na rito si Gilas head coach Tim Cone, na nagpahayag ng panghihinayang sa hindi pagsabak ng 28-anyos na forward.

Also read Criss Cross, nanaig kontra FEU

“To our great sorrow, Rhenz won't make it for the Window. He was excited, we were excited. Sayang,” ani Cone.

Bilang kapalit, nakatakdang sumalang ang beteranong Barangay Ginebra forward na si Troy Rosario para sa fifth window ng 2027 FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers.

Ayon kay Cone, kaagad nilang tinawagan si Rosario upang muling sumama sa Gilas para sa mga nalalapit na laban kontra Syria at Iran.

“So, we have asked Troy Rosario, our best "plug and play" player, to join us. He lends us great versatility and obviously knows the system,” ani Cone.

Huling naglaro si Abando para sa Gilas noong 2023 FIBA Basketball World Cup na ginanap sa Pilipinas. Mula noon, hindi na muling nakita ang high-flying swingman na suot ang pambansang jersey.

Also read UP Cebu, unang koponan mula Visayas sa UAAP football

Kasalukuyang naglalaro si Abando sa kanyang ikalawang season sa Anyang matapos tulungan ang koponan na magkampeon sa 2022-2023 KBL season.

Target ng Gilas na makamit ang dalawang panalo kontra sa mga koponan ng Middle East upang umangat sa standings ng kanilang grupo.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.