Skip to content
DYARYO TIRADA

Mga katutubo sa Amazon, lumitaw mula sa kagubatan dahil sa gutom

Grupo ng mga katutubong Awá na namataan sa Arariboia, 16 Nobyembre 2026.

Grupo ng mga katutubong Awá na namataan sa Arariboia, 16 Nobyembre 2026.

Photograph courtesy of Arariboia Guajajara

Text size

Humigit-kumulang 20 miyembro ng katutubong grupong Awá sa Brazil ang lumabas mula sa kagubatan nitong Nobyembre upang humingi ng makakain, partikular na ang ube, bago muling bumalik sa kanilang teritoryo.

Namataan sa bungad ng gubat ang grupo na binubuo ng mga kalalakihan, kababaihan, at mga bata na pawang walang saplot at tanging kuwintas lamang ang suot. May bitbit ding mahahabang pana ang mga kalalakihan.

Kilala ang mga Awá bilang uncontacted Indigenous people—mga katutubong piniling mamuhay nang hiwalay at hindi nakikipagsalamuha sa modernong kabihasnan. Matagal na silang naninirahan sa masukal na bahagi ng Amazon rainforest.

Dahil sanay sila sa pangangaso at pangangalap ng pagkain sa gubat, hindi pangkaraniwan ang kanilang pagpapakita.

Iniugnay ang kanilang paglabas sa matinding banta sa kanilang seguridad at kakulangan sa mapagkukunan ng pagkain, dulot ng patuloy na ilegal na pagtotroso, pangangaso, at pagpapastol ng baka sa kanilang lupain.

Nakunan ng video at mga larawan ng kalapit na katutubong grupong Guajajara ang makasaysayang tagpong ito.

Ang mga Guajajara, na tinaguriang mga Forest Guardians o bantay-gubat, ay matagal nang nagtatanggol sa Arariboia, ang teritoryong pinagsasaluhan nila ng mga Awá.

Marami na sa kanila ang nagbuwis ng buhay sa pagtupad sa tungkuling ito dahil sa kakulangan ng proteksyon mula sa gobyerno.

Also read Pabili po

Bunsod nito, nanawagan ang mga organisasyong Coapima at Survival International ng agarang aksyon laban sa mga banta sa kaligtasan at kalusugan ng tribo.

“Ang pisikal na kalagayan ng ilang miyembro, lalo na ang mga bata at matatanda, ay nagdulot ng pagkabahala sa mga taganayon, na nakapansin ng malinaw na palatandaan ng matinding pamamayat,” babala ng Coapima, isang organisasyong kumakatawan sa mga katutubong grupo sa Maranhão.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.