Skip to content
DYARYO TIRADA

Ellen Adarna bida ang natural na kagandahan

“These are actually raw unedited files because I specifically asked them not to retouch my photos. The makeup alone already made me look like a completely different person. No need for a second transformation!”

Ellen Adarna bida ang natural na kagandahan

Maria Ellen Adarna / Instagram

Text size

“This is NOT AI!”

Ganyan inilarawan ni Ellen Adarna ang kanyang mga kuhang larawan sa kanyang bakasyon sa China.

Ayon kay Ellen, hindi na niya talaga pinagalaw o pina-edit ang mga litrato dahil makeup pa lamang ay sobrang galing na ng pagkakagawa.

Also read Huling hirit ng AFAD gun show ngayong 2026, aarangkada

“These are actually raw unedited files because I specifically asked them not to retouch my photos. The makeup alone already made me look like a completely different person. No need for a second transformation!”

Sa Instagram, makikita ang iba’t ibang tema sa mga shots ng modelo na tila isang aktres sa isang C-drama fantasy series.

Nariyan ang pag-aala warrior princess niya kung saan pabiro pa niyang sinabi na: “Living my Xianxia fantasy with zero martial arts skills but somehow still on my way to immortality.”

Pumustura rin siya bilang tila leading lady sa isang romantic fantasy na may tema umanong forbidden romance.

Hindi rin pinalampas ni Ellen ang pagbabalik sa Republican China era tampok ang kanyang warm, soft look habang nakabihis ng tradisyunal na kasuotan.

Also read 114 na gasolinahan ipinasisiyasat ng DoE

“#ChinaMaxxing” daw talaga, ayon kay Ellen.

Hindi lamang mga tagahanga ng modelo ang namangha, kundi maging ang kanyang mga kapwa celebrity gaya nila Jessy Mendiola, Maggie Wilson, Coleen Garcia, at Max Collins.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.