Skip to content
DYARYO TIRADA

Chicken angry

[KOLUM]

Chicken angry

ANALY LABOR

Text size

Isa sa mga pumukaw ng atensyon ng mga Pilipino sa gitna ng kontrobersyal na 49th ASEAN Summit ay ang pagdating ng mascot ni Jollibee sa International Media Center at ang pag-deliver ng mga iconic products nito kay U.S. President Donald Trump.

Maraming naging kaganapan sa pag-host ng bansa ngayong taon, at sa bigat nito ay tila maging ang bida bidang si Jabee ay hindi rin kinaya ang hangin ng main character ng linggo—ito ay walang iba kundi si United States President Donald Trump.

Siya na nga ang pinakahihintay ng ilan, ngunit pinakasasabik mapatalsik ng marami.

“Since you’re strapped for time, I thought a taste of Manila might be good. So last night, I asked my staff to have some Jollibee delivered as a late-night snack for you and your delegation,” echos ng ating pangulo sa kanyang VIP.

“Jollibee is a very popular chain and one of their main products is fried chicken and we’re very proud to say that we have surpassed KFC in the United States in terms of popularity,” hirit pa ni Jr.

Ano kaya ang inihain sa kanya? Mix and match? Super Meal? A la carte? O pwede bang yung 230 PIECES OF CHICKEN ANGRY MEAL na lang from Camp Bagong Diwa?

Kung maaari lang magsumbong ang manok na inihain sa kanya, masasabi niyang naubusan na siya ng joy.

Bago pa lamang kasi lumapag ng Pinas ang presidente ng Estados Unidos ay pumutak na ng halos litid-litid ang mga raliyista sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, maging sa ilang probinsya.

Also read Heart Evangelista pinagkaguluhan sa Indonesia

Sigaw nila: “Trump Out,” “No to Pax Silica.”

Resulta? Salpukan sa pagitan ng mga pulis at ng mga nagwewelga, kung saan inaresto ang mahigit 200 sa loob lamang ng isang araw.

Sa sobrang iconic ng sabong ito, maging ang ilan sa mga international media, nakisawsaw na rin sa balitang kaguluhan dahil kay Trump.

Madami ring audience ang nakipusta kung tuloy ba ang paglagda ng Pax Silica sa pagkakataong ito, o hindi.

Alam kaya ito ni Trump bago siya lumipad patungong Pinas? Anong init kaya ang nadama niya sa paglakad niya sa pulang karpet ng NAIA? Mainit na pagtanggap o mainit na pagtaboy?

Pasintabi sa bubuyog na mahal na mahal nating madla, pero kung tutuusin, siya ang simbolong nagtulay sa tatak ng mga ordinaryong Pinoy at ng gobyerno.

Kaya ang tanong, nalasap kaya ni Trump ang lutong ng mura at galit ng mga Pinoy sa bawat kagat niya ng Pinoy pride chicken?

Kasi ang ilan sa mga inaresto nang dahil sa pagtutol sa kanya, marahil ay wala pang kain at nabilad pa sa araw, maisigaw lamang ang karapatan ng mga katutubo at mga magsasaka.

Pagdidiin ni Trump, mayroon daw mayamang ugnayan ang Estados Unidos at Pilipinas. At tunay nga naman iyon.

Ngunit ang mas mayaman kaysa doon ay ang ating likas na yamang-lupa, yamang-tubig, at yamang-tao. Kaya’t walang dapat ipagyabang ang mga dayuhan sa proyektong itinayo o itatayo sa lupang pawis ng mga Pinoy ang naging pundasyon.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.