Skip to content
DYARYO TIRADA

Limang Most Wanted sa Bataan, nasakote

Limang Most Wanted sa Bataan, nasakote

Bataan Police Provincial Office

Text size

Limang Most Wanted Persons (MWP) ang dinakip ng Bataan Police Provincial Office (BPPO) pagkatapos magsagawa ng manhunt operations sa buong probinsiya nitong 16 Nobyembre 2026.

Ayon kay Provincial Director Police Col. Marites A. Salvadora, kasama sa limang nasakote ang Balanga City Top 3 Most Wanted Person na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Dagdag ni Salvadora, nadakip din ang isa mga suspek na lumabag sa RA 7610 sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Hermosa Municipal Police Station at ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa Barangay Mandama sa Bayan ng Hermosa.

Also read Salpukan ng Lakers, Spurs sa West inaabangan

Sa Orani naman, nahuli ang isang MWP sa kasong Qualified Theft through Falsification of Commercial Documents, habang ang Samal MPS naman ay nasakote ang isa pang MWP na lumabag sa RA 9165.

Samantalang ang pinagsanib na puwersa ng Bataan 1st PMFC at ng Hermosa MPS ay nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang MWP na may kasong Grave Coercion.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.