
National Bureau of Investigation (NBI)
What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang mga sensitibong bidyo at mga larawan mula sa 5 Chinese na pinaghihinalaang mga espiya
Nitong Enero 30, ipinakita sa publiko ang mga Chinese at nakilala ang mga ito bilang sina Cai Shaohuang, o kilala bilang si Richard Tan Chua, ang kinikilalang field commander ng grupo; Cheng Hai Tao; Wu Cheng Ting; Wang Yong Yi at Wu Chin Ren.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, kabilang sa mga narecover mula sa nga Chinese ay mga video at larawan ng Buliluyan Port sa Ataraza, Palawan, mga Coast Guard station, naval vessel at mga pantalan.
Nakuha rin sa kanila ang mga high-resolution image sa Philippine Navy Ships pangunahin dito ang Del Pilar-class patrol vessel na PzS 16. Kasama din dito ang mga footage ng Philippine Coast Guard Vessel na BRP Teresa Magbanua at BRP Gabriela Silang. Natunton din sa mga mobile device ng mga ito ang terrain map ng Subic Bay International Airport at Naval Operating Base Subic.
Patuloy pa rin ang analysis ng mga otoridad sa mga gamit ng mga nahuling Chinese, habang pinaiigting pa ang counter-intelligence operations ng bansa.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…