
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…


What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
MAS mabuting itigil na lang ang pagpapatupad ng programang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers dahil ginagamit lamang ito sa pansariling interes ng ilang pulitiko.
Inilunsad noong 2009 ng Department of Labor and Employment, layunin ng programa na tulungan ang mga mahihirap na walang trabaho, mga nawalan ng trabaho dahil sa kalamidad at iba pang kadahilanan.
Sa totoo lang, marami naman talaga ang natulungan ng TUPAD lalong lalo na ang mga nasa informal sector o yung mga taong walang regular na trabaho, kagaya ng mga nagtitinda sa bangketa, kargador sa palengke at iba pa.
Sa ilalim ng programa, binibigyan ng pansamantalang trabaho sa loob ng 10 araw hanggang 30 araw ang isang kwalipikadong benepisyaryo. Ang kanilang arawang sweldo ay batay sa umiiral na batas sa minimum wage kung saan sila magtatrabaho.
Subalit, katulad ng iba pang programa ng gobyerno, ang TUPAD ay sinalaula ng ilang gahamang mga pulitiko sa Quezon City noong panahon ng pandemya.
Pumutok ang anomalyang ito noong 2021 sa tatlong congressional districts ng nasabing lungsod. Ito ay ang Districts 1, 2 at 5, dahilan para suspendihin ni dating Labor Secretary Silvestre Bello III ang implementasyong ng TUPAD sa nasabing mga distrito.
Tatlong kongresista ang ipinag-utos ng Ombudsman noon na imbestigahan. Sila ay sina dating Quezon City District 1 Rep. Onyx Crisologo, District 2 Rep, Precious Hipolito, na parehong natalo noong 2022 eleksyon, at si District 5 Rep. Alfred Vargas, na noon ay nasa kanyang huling termino na at pinalitan sa pwesto ng kanyang nakababatang kapatid na si Rep. Patrick Michael Vargas.
Batay sa mga ulat, hindi bababa sa P59 million o maaaring higit pa ang nawalang pondo sa implementasyon ng TUPAD. Ang malungkot ang pinagnakawan ay ang maliliit at mga hikahos sa buhay na mga manggagawa sa pamamagitan ng ghost beneficiaries at di pagbigay ng tamang pasweldo.
Sa nasabing kadahilanan, ipinag-utos noon ni Ombudsman Samuel Martirez ang isang “motu proprio investigation” laban kina Vargas at iba pang sangkot sa nasabing diumano’y talamak na nakawan at bulsahan ng milyun-milyong halaga ng pondo para sa implementasyon ng TUPAD.
Hiwalay din na inimbestigahan ito ng National Bureau of Investigation sina Vargas at mga kasama na, ayon kay Bello, ay may sapat na ebidensya na gagamitin sa isasampang patung-patong na mga kasong kriminal laban sa mga nabanggit na pulitiko at kasabwat nila sa diumano’y pagnanakaw ng napakaraming pera ng DOLE na inilaan sa mga manggagawang nawalan ng trabaho sa kasag-sagan COVID-19 pandemic.
Ano na kaya ang nangyari sa imbestigasyon ng Ombudsman, NBI at ng DOLE-National Capital Region? At ano kaya ang naging resulta ng isinagawang audit ng Commission on Audit hinggil sa nawawalang pondo ng TUPAD?
Nararapat lang na malaman ng taong-bayan kung saan napunta ang kanilang pera na nakalaan sa TUPAD. Kung hahayaan natin na makalusot ang nasabing anomalya sa TUPAD, binibigyan lang natin ng dahilan ang mga kurap na pulitiko na ipagpatuloy ang kanilang pananamantala sa kaban ng bayan at sa mga mamamayan, na siyang nararapat na mag benepisyo sa TUPAD at iba pang programa ng gobyerno.