Dalawa sugatan sa alitan ng tribo sa Kalinga
TABUK CITY, Kalinga — Dalawang lalaki mula sa tribong Naneng ang sugatan matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng tribong Tinglayan ang isang lamay sa Sitio Madapdappig, Barangay Bado Dangwa, Tabuk City umaga ng 28 Nobyembre 2026.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima bilang isang 58-anyos na lalaki at ang kanyang 50-anyos na bayaw. Kapwa sila dinala sa Kalinga Provincial Hospital sa Bulanao at nasa maayos nang kondisyon.
Ayon kay Kalinga Police Provincial Office chief Police Col. Peter Ngabit Jr., pinaputukan ng mga suspek ang pamilya upang pigilan silang ilibing ang kanilang namatay na kaanak sa isang lupang pinagtatalunan ng dalawang grupo.
Dahil sa insidente, nagpasya ang naulilang pamilya na ilibing na lamang ang kanilang kaanak sa sarili nilang bakuran.
Sinabi ng KPPO na nakatanggap ng ulat ang Calanan Sub-Station 3 tungkol sa mga putok ng baril sa lugar dakong alas-7:50 ng umaga.
Nagtayo ng mga checkpoint ang mga rumespondeng pulis at nagsagawa ng search







