Skip to content
DYARYO TIRADA

114 na gasolinahan ipinasisiyasat ng DoE

114 na gasolinahan ipinasisiyasat ng DoE
Text size

Pinagpapaliwanag ng Department of Energy (DoE) ang 114 na gasolinahan matapos mabigong ipatupad ang ipinag-utos na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay Oil Industry Management Bureau (OIMB) Director Rino Abad, umabot sa 213 gasolinahan ang kanilang ininspeksyon mula Nobyembre 10 hanggang 13.

Sa isinagawang pagsusuri, natuklasang 114 sa mga ito ang hindi sumunod sa itinakdang bawas-presyo.

Also read EAC umukit ng kasaysayan, abante sa NCAA Final Four

Binigyan umano ng DoE ang mga nasabing gasolinahan ng 72 oras upang magpaliwanag. Gayunman, hindi naging katanggap-tanggap ang mga paliwanag ng mga ito.

Ilan sa mga naging dahilan ng mga gasolinahan ay matagal na nilang nabili ang kanilang suplay ng langis bago pa ipatupad ang bawas-presyo.

Dahil dito, ipinasa na ng DoE sa kanilang Legal Department ang mga ulat mula sa isinagawang inspeksyon para sa karagdagang pagsusuri.

Sakaling mapatunayang lumabag sa batas ang mga gasolinahan, maaaring DoE, pinasisiyasat ang 114 na gasolinahan maharap sa pagkakakulong ang kanilang mga may-ari nang mula tatlong buwan hanggang isang taon, gayundin sa multang P50,000 hanggang P300,000.

Maaari ring magpatupad ang DoE ng mga administratibong parusa, kabilang ang pagpapataw ng kaukulang multa o pagsususpinde sa lisensya ng mga sangkot na establisimyento.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.