Skip to content
DYARYO TIRADA

Robbie Jaworski at Magui Ford, hiwalay na?

Robbie Jaworski at Magui Ford, hiwalay na?
Text size

Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y hiwalayan nina Pinoy Big Brother: Celebrity Collab 3.0 housemate Robbie Jaworski at kaniyang girlfriend na si Magui Ford matapos mapansing hindi na naka-follow sa isa’t isa ang dalawa sa Instagram.

Lalong umingay ang espekulasyon dahil nangyari ito ilang araw matapos lumabas si Robbie sa Bahay ni Kuya noong Nobyembre 21, kasunod ng apat na linggong pananatili nito sa reality show.

Ayon sa paghahalungkat ng netizens, bagama’t hindi na naka-follow sa isa’t isa ang dalawa sa Instagram, nananatili naman silang magka-follow sa TikTok.

Matatandaang naging open si Robbie tungkol sa kaniyang relasyon kay Magui habang nasa loob ng Bahay ni Kuya at palagi pa itong kinukwento sa ibang housemates. Isa sa mga viral moment ng aktor ay nang ibunyag nitong hindi niya pinagbabayad ang nobya tuwing magkasama sila.

Noong 19 Nobyembre, nang bumisita ang kaniyang inang si Mikee Cojuangco, tinanong pa ni Robbie kung kumusta ang nobya, bagay na kinakiligan ng netizens dahil sa sweetness at thoughtfulness ng aktor.

Sa kabila ng mga espekulasyon, nananatiling tahimik sina Robbie at Magui tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa dalawa kung tuluyan na nga silang naghiwalay o may pinagdaraanan lamang sa kanilang relasyon.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.