Skip to content
DYARYO TIRADA

Gehlee Dangca, tuloy-tuloy ang pagsikat!

Gehlee Dangca, tuloy-tuloy ang pagsikat!
Text size

Patuloy ang pag-arangkada ng solo career ng dating UNIS member na si Gehlee Dangca matapos umabot sa 12 million streams sa Spotify ang kaniyang debut single na “Closer”, habang nakapagtala naman ang singer ng 3.3 million monthly listeners sa naturang music streaming platform.

Ang bagong milestone ay naitala isang buwan matapos ilabas ang kanta noong 23 Oktubre sa ilalim ng Universal Records Philippines.

Matatandaang noong 20 Nobyembre, inanunsiyo ng Universal Records Philippines na nalampasan na ng Closer ang 10 million Spotify streams, bago umakyat sa 11 million noong Nobyembre 22, ayon sa mga update ng kaniyang fanbase.

Also read Durant umabot sa 33K puntos; LeBron binuhat Sixers kontra Heat

Bukod sa Spotify, umabot din sa mahigit 8 million views ang music video nito sa YouTube.

Gayundin, nanguna ang single ng former k-pop idol sa iTunes Philippines Top Songs chart noong 9 Nobyembre, matapos unang mag-debut sa ikaapat na puwesto nang ilabas ito noong 23 Oktubre.

Pumasok din ang kanta sa ika-31 puwesto ng Billboard Philippines Hot 100 chart na may petsang Nobyembre 14, isa pang milestone para sa kaniyang bagong solo career.

Bukod sa kaniyang music achievements, nadagdagan pa ang mga oportunidad ng 19-anyos na singer matapos siyang ipakilalang bagong brand ambassador ng fragrance at personal care brand na BW Women.

Ayon sa brand manager nitong si Kimberly Barrozo, napili si Gehlee dahil sa kaniyang confidence, charm at mga viral moment sa social media, kabilang ang kaniyang iconic pose switch tuwing may dumaraang sasakyan.

Tinagurian din bilang “It girl” si Gehlee dahil sa sunod-sunod na viral moments nito. Maging ang brands na pino-promote nito at ginagamit ay mabilis din mag-sold out, bagay na ikanaka-proud ng mga fans.

Samantala, mas nakikilala rin ngayon ang dalaga sa kaniyang paglahok sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab 3.0, kung saan nakakuha ng atensiyon ang kaniyang personalidad at pakikisalamuha sa kapuwa housemates.

Matatandaang bumalik si Gehlee sa Pilipinas noong Setyembre matapos magtapos ang kontrata ng K-pop girl group na UNIS, kung saan siya naging miyembro mula 2024.

Sa kabila ng pagtatapos ng kaniyang K-pop journey, patuloy na lumalawak ang oportunidad para sa singer sa Philippine entertainment industry sa pamamagitan ng kaniyang musika, endorsements at television exposure.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.