SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

GAA, naglaan ng P39.8 bilyon para sa disaster response — Libanan

House Minority Leader Marcelino Libanan
AYON kay Minority Leader Marcelino Libanan, malaking bahagi ng 2026 budget ang ihahanda para sa kalamidad, rehabilitasyon, at paghahanda sa sakuna.Daily Tribune images.
Published on

Sa gitna ng madalas na kalamidad—mula sa pagsabog ng bulkan, baha, bagyo, at iba pang sakuna—naglaan ang gobyerno ng P39.8 bilyon ngayong taon para sa disaster-response at rehabilitation.

Ayon kay House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan, 90 percent mas mataas ang alokasyon ng 2026 General Appropriations Act (GAA) kumpara sa P21 bilyon noong 2025.

Aniya, kasama sa breakdown ng 2026 GAA:

  • P15.3 bilyon para sa Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program para sa mga Local Government Units

  • P12.5 bilyon para sa repair at reconstruction ng permanent structures, kabilang ang pre-disaster operations, rehabilitation, at kaugnay na aktibidad

  • P11 bilyon para sa aid, relief, at rehabilitation services sa mga komunidad na apektado ng kalamidad, kasama ang training para sa personnel at iba pang pre-disaster measures

  • P1 bilyon para sa adaptation projects at activities ng mga lokal na pamahalaan at community organizations sa ilalim ng People’s Survival Fund

Dagdag pa ni Libanan, saklaw ng pondo ang natural at human-induced calamities, epidemya na ideklara ng Department of Health, krisis mula sa armadong kaguluhan, insurgency, terorismo, at iba pang sakuna.

Ang pahayag ni Libanan ay kasunod nang kumpirmasyon ng Disaster Risk Reduction and Management Council sa Davao Region ng pitong nasawing indibidwal sa Mati City, Davao Oriental, at Monkayo, Davao de Oro dahil sa baha at landslide dulot ng malakas na ulan.

Umabot sa 84,208 katao sa 65 barangay sa Davao Region ang naapektuhan ng tuloy-tuloy na pag-ulan mula sa shear line—isang hangganan sa atmospera kung saan nagtatagpo ang iba't ibang direksyon ng hangin, na kadalasang nagdudulot ng unsettled weather.

Nag-trigger din ang Tropical Storm Basyang ng flash floods at landslides, na kumitil sa 12 katao at nakaapekto sa 232,550 residente sa 517 barangay sa Mindanao at Visayas.

Ayon sa 2025 World Risk Report, nanguna ang Pilipinas sa 193 bansa sa ika-apat na sunod na taon dahil sa mataas nitong exposure sa bagyo, baha, pagtaas ng sea level, tagtuyot, lindol, tsunami, at pagsabog ng bulkan.

Matatagpuan ang Pilipinas sa western Pacific typhoon corridor, kung saan nabubuo halos isang-katlo ng pinakamalalakas na tropical cyclones sa mundo, at sa Pacific Ring of Fire, kilala sa madalas na lindol at bulkan.

Tatlong aktibong bulkan—Mayon, Taal, at Kanlaon—ay kasalukuyang nagpapakita ng unrest o tuloy-tuloy na pagsabog.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph