Para Kanino?
[KOLUM]

May mga pangyayari talagang hindi magagawa ng AI.
Kaya ba ng AI ng mabilisang pagpapakitang gilas para sa paghahanda sa ASEAN Summit na para bang mga bisita ng mama mo na magtitipon sa bahay niyo?
Mga bisitang ayaw mong papuntahin dahil alam mong hindi maayos makisama ang mama mo sa inyo at maaaring hindi magustuhan ng mga bisita ang tutuluyan nilang lugar.
Kaya ba ng AI pagmukhaing kalsada ang kalsada sa Bicutan na mas mukha pang isang malaking parking lot sa normal na araw?
Hindi rin kaya ng AI alisin ang kilig ng mga tao sa JeoLee at i-undo ang mga nangyayari sa loob ng bahay ni Kuya. Kahit AI hindi kayang ipaliwanag bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin ni Lans at bakit ang daming ginagamit ang isyu ni Primo.
Balik tayo.
Kung hindi kaya ng AI kontrolin kung paano tumatakbo ang buhay ng isang tao sa araw-araw, paano pa kaya kung tuluyang bawiin nito ang pagkakataong makahanap ng hanapbuhay ang mga tao, dahil sa kaisipang ‘mas makabubuti ang AI’?
Mahirap sabihing nakaaahon tayo sa paggamit ng teknolohiya kung hindi naman natin kasabay ang makinarya sa pag-unlad.







