Skip to content
DYARYO TIRADA

BINI unang p-pop group na may billion streams

P-POP girl group Bini.

P-POP girl group Bini.

Photograph courtesy of BINI/INSTAGRAM

Text size

Isang proud moment na naman para sa BINI at blooms ang nakamit na achievement kung saan mayroon ng higit one billion streams ang grupo sa Spotify at YouTube Music.

Batay sa streaming data na tinipon ng fans, umabot na sa mahigit 1.02 bilyon ang kabuuang plays ng BINI sa YouTube Music.

Dahil dito, tinagurian ng mga Blooms ang nation’s girl group bilang unang P-pop act na nakaabot sa naturang bilang sa YouTube Music, matapos ang parehong milestone sa Spotify.

Matatandaang noong Marso 2025, naging unang P-pop group at pinakabatang OPM act ang BINI na umabot sa isang bilyong Spotify streams across all credits.

Hindi rin huminto ang pagtaas ng kanilang streaming figures. Noong 16 Nobyembre, nalampasan na ng grupo ang 1.5 bilyong Spotify streams.

Kabilang sa kanilang pinakamalalaking Spotify hits ng BINI ang “Pantropiko,” na may mahigit 216 milyong streams, at “Salamin, Salamin,” na lumampas na sa 211 milyon. Nalampasan na rin ng “Karera” ang 133 milyong streams batay sa mga pinakahuling fan-tracked figures.

Naitala ang panibagong milestone sa gitna ng patuloy na international activities ng BINI, kabilang ang pagtatapos ng kanilang Signals world tour at mga bagong pagkilala sa grupo sa international music scene.

Ipinagdiwang naman ng Blooms ang tinatawag nilang “twin billion” achievement, na nagdaragdag sa mga streaming record ng grupo mula nang sumikat ito sa mainstream music scene.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.