Skip to content
DYARYO TIRADA

Pamilya Marcos pinuri ni Trump!

US President Donald Trump and President Ferdinand Marcos Jr. in a luncheon in Malacanang Palace on Wednesday

US President Donald Trump and President Ferdinand Marcos Jr. in a luncheon in Malacanang Palace on Wednesday

PCO

Text size

Sa kontrobersyal na paglapag ni United States (U.S.) President Donald Trump sa bansa nitong Martes upang makiisa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, binigyang-pansin niya ang pamilya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ayon sa kanya ay matagal na niyang kilala.

“I knew your parents, they were great. I believe in genetics. And they did a good job. They have very good genetics,” saad ni Trump sa hapunan sa huling araw ng summit.

Pinuri rin niya si Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos na sumalubong sa kanya sa kanyang paglapag sa bansa.

Also read NNCHS, nag-uwi ng 3 ginto at 1 tanso sa International Robolution sa Dubai

“President Marcos, I want to thank you very much. Your family is amazing. You’re amazing. I just met your son, who is a beautiful young man. He’s got a great future,” saad niya.

Nitong Miyerkules, bumisita si Trump sa Malacañang para sa bilateral meeting kasama si Marcos kung saan binigyang-diin nila ang aniya ay matatag na ugnayan ng dalawang bansa.

“America stands with the Filipino people,” ayon sa U.S. president, na pinunto ang malalim na kasaysayan ng Filipino-American partnership.

Samantala, nabigyan naman ng kasagutan ang tanong ng maraming raliyista ukol sa Pax Silica project nang linawin ng kinatawan ng Estados Unidos sa Pilipinas na si Lee Lipton na walang mangyayaring paglagda ng kasunduan ukol sa Artificial Intelligence (AI).

“There is no signing (of Pax Silica). Not on this trip,” ani U.S. Ambassador Lee Lipton sa mga mamamahayag sa Malacañang nitong Miyerkules, Nobyembre 18, sa gitna ng bilateral talks nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at U.S. President Donald Trump.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.