

Naku ha, dahil sa payanig niyang ito, si Princess Elsa mula sa “Frozen,” nagdabog ang bangs in a major, major way at sa kauna-unahang pagkakataon, tila bothered ito kasi nga muntik nang matunaw ang mga niyebe o snow sa Switzerland matapos painitin ni Andrea Brillantes ang lugar, huh!
Ang nag-iisang Blythe, ganda-gandahan pa ang laro eh nuknukan na nga kagandahan niya. Nagbida-bida, nag-strike a pose ang vogue at ang caption niya pa rito ay: “Well, hello Switzerland.” Ang photos na ito ay posted sa opisyal na IG account ni Brillantes at habang tinitipa ko ang pitak ko, meron na itong 998K likes, 3,971 reactions, 60.8K reposting at 30.7K shares.
Walang duda na “the cold did not bother her anyway” dahil sa gitna ng lamig, walang damit panloob ang aktres at tanging suot ay winter jacket. May pa-peekaboo ang cleavage ng Blythe sa larawan, na siyang nagpainit sa post niya at sa nakikitang malamig na background sa shot.
Literal na tiis ginaw, tiis ganda at tigas utong ang aktres para lang maisakatuparan ang pagiging matagumpay ang kanyang sexy sa niyebe pictorial. Ang patunay na tagumpay ito, kita niyo naman ang digits na naibahagi na at kung pupunta kayo sa IG ni Brillante, sangrekwang fire icons at heart eyes emoji ang inyong makikita bilang papuri sa kanyang payanig sa niyebe.
Ang kauna-unahan ngang reaksyong tinanggap ni Andrea ay mula sa kanyang jowang si Franchesko Juan Capistrano ay dalawang heart eyes emoji. May mga bumibiro rin kay young master Franchesko na: “Sa iyo bang lahat iyan?”
Ilan sa mga celebrity na pumuri sa niyebe pictorial ni Brillantes ay sina Dingdong Bahan, Eian Rances, Ruffa Gutierrez, Rabiya Mateo, Venus de Luxe, Kevin Balot at Ivana Alawi.
Ang isa pang panalo sa pictorial na ito, eh litaw na litaw talaga ang dakilang ganda ni Andrea Brillantes, sa true lang.
Kaya, sige lang, Andrea Brillantes, ipagpatuloy mo pa ang paglalaro ng ganda-gandahan para mas mas marami ang sumaya, maglagablab ang damdamin at mag-initan ang mga pakiramdam, huh!