
former Senator Antonio Trillanes IV
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Isiniwalat ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na may posibilidad umanong masampahan ng plunder complaint si Bise Presidente Sara Duterte.
Ayon kay Trillanes, nakakuha siya ng impormasyon mula sa isang impormante at posibleng ngayong linggo ay ihain ang naturang kaso sa Office of the Ombudsman.
Maaari raw na sa Biyernes ito pormal na maisumite sa Tanggapan ng Tanodbayan.
Kaugnay ang reklamo sa umano’y iregular at maanomalyang paggamit ni VP Sara ng confidential at intelligence funds, gayundin ng iba pang malalaking isyu sa Department of Education at Office of the Vice President. Sa kasalukuyan, hindi pa ibinubunyag ng dating senador kung aling grupo o kung sino ang maghahain ng nasabing kaso laban sa bise presidente.
Kung babalikan naman ang verified impeachment complaint laban kay VP Sara na kasalukuyang naka-archive sa Senado, kabilang din ang isyu sa paggamit ng CIF sa mga alegasyon ng graft and corruption na nagsisilbing batayan ng reklamo.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…