Skip to content
DYARYO TIRADA

SP: Resulta ng impeachment nakasalalay sa ebidensya

WIN GATCHALIAN

WIN GATCHALIAN

Text size

Nanindigan si Senate President Sherwin Gatchalian na mananatiling patas ang Senate Impeachment Court sa pagdinig at pagtanggap ng ebidensya sa nagpapatuloy na paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Ginawa ni Gatchalian ang pagtitiyak matapos sabihin ni Duterte na naghahanda na umano siya sa pinakamasamang posibleng kahinatnan ng impeachment trial.

Ayon kay Gatchalian, nakasalalay pa rin ang magiging hatol sa mga ebidensyang ihaharap ng prosekusyon at kung paano ito sasagutin ng defense team ni Duterte.

Sa kasalukuyan, nakapagharap na ang depensa ng siyam na testigo upang pabulaanan ang mga alegasyon laban kay Duterte kaugnay ng umano’y hindi maipaliwanag na yaman, hindi tapat na pagdedeklara ng mga ari-arian, at pananagutan matapos ipagpatuloy ang kanyang mga interes sa negosyo habang nanunungkulan bilang bise presidente.

Magpapatuloy ang buong araw na pagdinig mula Martes hanggang Biyernes, simula alas-10 ng umaga, matapos itong pansamantalang masuspinde upang bigyang-daan ang pagtatalakay ng Senado sa panukalang 2027 national budget.

Samantala, sinabi ni Gatchalian na posibleng matapos ang impeachment trial bago matapos ang taon batay sa bilang ng mga natitirang saksing ihaharap ng depensa, bagama’t nilinaw niyang hindi palaging tumatama ang kanyang mga naunang pagtataya sa pagtatapos ng paglilitis.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.