Skip to content
DYARYO TIRADA

Ogie Diaz nilaglag ni Liza Soberano

Ogie Diaz nilaglag ni Liza Soberano
Text size

Pasabog ang latest interview ni Liza Soberano sa isang vlog.

Sinabi ng ambisyosang aktres na tanggap na lang nang tanggap ang kanyang dating manager ng endorsements para sa kanya.

“I come from a poor background and and so whatever brand company at that time it was grab, grab, grab and that was also the mentality of my manager, right?” kuwento ni Liza.

Also read Unang pagkatalo nalasap ni Emman Bacosa

Ang tinukoy ni Liza although hindi niya pinangalanan ay isang whitening brand endorsement when she was about fifteen or sixteen. Ang chika niya, nagulat na lang siya dahil pinaputi siya sa isang post ng naturang endorsement

At that time raw, medyo tan siya dahil lagi siyang nasa dagat.

“It was the first time I felt offended. ‘Oh, I wasn’t good enough for who I was,” say niya.

Sa vlog niya ay tinanong si Ogie Diaz tungkol sa hanash ni Liza.

Ang paliwanag niya, hindi niya alam na pinaputi si Liza sa post ng skin care endorsement niyang iyon.

Also read Ex-Batanes governor wagi sa pagka-kongresista

Nakakatawa, ‘di ba? Ibig mong sabihin, manager ka ni Liza pero hindi mo tiningnan ang photos ng alaga mo noong nag-pictorial para sa skin care endorsement niya?

“Alam naman ni Liza kung ano ang totoo. Ganito lang kasimple. Ayokong doon lang tayo pumokus na ang mamager niya ang nasusunod, ganyan-ganyan,” say ni Ogie.

“Kung hindi ba dahil sa manager ay magiging Liza Soberano sita? Mas nakalahiya kung tanggap kami nang tanggap ng Star Magic ng mga proyekto o ng endorsement sa kanya tapos walang nangyari sa kanya. Nagsasalita siya ngayon bilang Luza Soberano, hindi bilang si Hope Elizabeth Soberano,” paliwanag ni Ogie.

“Love ko naman ang batang iyan kasi alam ko mabait anf batang ‘yan. Hindi ko lang alam kung bakit nag-360 degrees pero mabait ang batang ‘yan.

Inamin ni Ogie na bilang manager ay gagawin niya ang lahat ng diskarte upang tumaas ang premium ng kanyang alaga

Para sa kaalaman ng fans, ang pumanaw na manager na si Dudu Unay ang naka-discover kay Liza through Facebook. Kaya lang, nabagalan si Liza sa takbo ng kanyang career kaya nagpatulong si Dudu kay Ogie. Later on, biglang naging manager na ni Liza si Ogie habang si Dudu ay road manager na lang nito.

Thirty percent ang commission na kinukuha ni Ogie bilang manager ni Liza. Naisara ni Ogie ang isang pizza endorsement ni Liza worth P10 million kaya tumataginting na P3 million ang kanyang commission. Sa P3 million commission ay binigyan niya ng P250,000 ang discoverer ni Liza na si Dudu.

Kalaunan ay nilayasan na rin ni Liza si Ogie bilang manager.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.