Skip to content
DYARYO TIRADA

Cheska Fausto bagong Leon calendar girl

Cheska Fausto bagong Leon calendar girl

Cheska Fausto

Text size

Pinangalanan na ang Task Force Firewall at Bubble Gang star na si Cheska Fausto bilang kauna-unahang calendar girl ng Leon Beer, isang lokal na brand na gawa ng Asia Brewery.

Nagsilbing mga host sa paglulunsad ng Leon Bangis Calendar Girl ang mga The Morning Rush radio jocks na sina Chico Garcia, Hazel Aguilon, at Markki Stroem.

Patuloy na lumalago ang presensya ni Fausto sa social media kung saan mayroon na siyang mahigit 300K followers sa Instagram at mahigit isang milyon namang followers sa TikTok, bukod pa sa kabuuang 12.8 milyong likes na nakuha ng kanyang mga post.

Also read Unang pagkatalo nalasap ni Emman Bacosa

Ibinahagi ni Fausto na labis siyang nagpapasalamat at nasasabik dahil matagal niyang hinintay ang paglulunsad na ito, at iginiit niyang para sa mga Pilipino ang proyekto at karangalan niyang maging unang calendar girl ng Leon Beer.

Ayon kay Fausto, ang kahulugan ng bangis para sa kanya ay ang angas at tapang, partikular sa paraan ng pagtugon at pagpapasya sa iba’t ibang karanasan sa buhay at sa pagharap sa mga pagsubok nang may consistency, determinasyon, at pananampalataya.

Pinuri ang apat na kalendaryo dahil sa mga classy at sexy nitong larawan na nagpapakita ng mga babaeng may lalim at kapangyarihan.

Sinabi rin ni Fausto na taglay niya ang pagiging charming at fierce, gayundin ang pagiging dreamer at realist, at ang pananampalataya niya sa Panginoon ang nagpapatuloy sa kanya sa buhay.

Dagdag pa niya, namulat siya sa pagiging Leon Calendar Girl na maayos ang kanyang ginagawa at nagiging inspirasyon na sa iba ang kanyang buhay, kasabay ng pagnanais niyang malaman ng mga tao na malayo ang kanyang puso sa mga ginagampanan kong karakter at marami pa siyang maibibigay.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.