Skip to content
DYARYO TIRADA

DND: China walang karapatang diktahan ang Pilipinas

DND spokesperson Arsenio Andolong

DND spokesperson Arsenio Andolong

Text size

Iginiit ng Department of National Defense (DND) na walang karapatan ang Tsina na diktahan ang Pilipinas kung aling mga bansa ang maaari nitong maging katuwang sa pagtatanggol ng soberanya at pambansang interes.

Sa pahayag ni DND spokesperson Assistant Secretary Arsenio R. Andolong, sinabi niyang hindi kailangan ng Pilipinas ang pahintulot ng Beijing sa pakikipag-ugnayan nito sa ibang bansa, lalo na pagdating sa usapin ng depensa at seguridad.



“Hindi natin kailangan ang pahintulot ng Beijing sa ating pakikipag-ugnayan sa ibang bansa, lalo na sa usapin ng ating depensa at seguridad,” saad ni Andolong.

Tinuligsa rin ni Andolong ang umano’y mapanlinlang na paratang ng China laban sa ibang bansa na nagpapalala sa tensyon sa rehiyon.

“Sukdulan na ang mapanlinlang na pag-aakusa ng Tsina sa ibang bansa ng pagpapalala ng tensyon,” ani Andolong.

“Samantalang patuloy itong gumagamit ng panggigipit, pananakot, at dahas upang ipilit ang mga ilegal nitong pag-aangkin sa West Philippine Sea at iba pang karagatan,” dagdag niya

Aniya, sumobra na ang naturang mga akusasyon habang patuloy naman umanong gumagamit ang Beijing ng pamimilit, pananakot at puwersa upang igiit ang mga ilegal nitong pag-aangkin sa West Philippine Sea at iba pang karagatan.

Binigyang-diin ng DND na kung tunay na hangad ng China ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon, dapat nitong itigil ang pananakot at igalang ang karapatang pandagat ng ibang bansa alinsunod sa international law, partikular sa United Nations Convention on the Law of the Sea.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.