Skip to content
DYARYO TIRADA

Padilla nilampaso si Hontiveros sa presidential survey

SENATOR-Judge Robin Padilla

SENATOR-Judge Robin Padilla

Text size

Inungusan ni Senador Robin Padilla si Senadora Risa Hontiveros sa presidential survey para sa Halalan 2028, ayon sa pinakabagong survey ng Tangere.

Nakakuha si Padilla ng 35 percent voter preference, mas mataas ng 10 percent sa 25 percent na nakuha ni Hontiveros.

Gayunman, halos 40 percent ng mga respondent ang nag-abstain o piniling huwag bumoto sa alinman sa dalawang senador.

Also read VP Sara impeachment tuloy sa Disyembre

Samantala, sa hiwalay na survey, nalamangan naman ni Senador Bam Aquino si Padilla matapos makakuha ng 39 percent kumpara sa 31 percent ng aktor-politiko.

Isinagawa ang survey kasunod ng pahayag ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo na hindi siya tatakbo sa anumang pambansang posisyon sa 2028.

Lumahok sa survey na isinagawa noong Nobyembre 10 hanggang 13 ang 1,800 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Mayroon itong margin of error na ±2.4 percentage points.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.