Skip to content
DYARYO TIRADA

BINI Mikha ‘lovey dovey’ sa Taiwan

Mikha Lim

Mikha Lim

Photograph courtesy of mikha lim/instagram

Text size

Muling na namang umingay ang usap-usapan tungkol sa love life ni BINI member Mikha Lim matapos itong mamataang kasama ang umano’y boyfriend nito na si basketball player Austin Ronzone sa Taiwan.

Kumalat sa social media ang mga video ng dalawa sa isang railway station sa Taichung City kasunod ng pagtatapos ng Signals World Tour ng Nation’s Girl Group sa naturang bansa.

Nagbahagi rin si Mikha ng mga larawan mula sa Qingjing Farm sa Nantou County, na kilala bilang “Little Switzerland” ng Taiwan.

Hinala naman ng ilang netizens, si Ronzone ang kasama ng P-pop star sa pamamasyal at baka ito pa ang kumuha ng mga larawan nito.

Kinumpirma naman ni Mikha ang naturangb bakasyon at sinabing labis niyang na-enjoy ang pamamasyal sa iba’t ibang bahagi ng Taiwan. Umattend din ito ng BTS concert sa Taiwan kasama ang iba pang BINI members.

Gayunman, wala pang direktang kumpirmasyon mula kina Mikha at Ronzone tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.