Skip to content
DYARYO TIRADA

Barbie Imperial walang binatbat kay Sarah Lahbati

MAY nang-okray sa costume ni Barbie.

MAY nang-okray sa costume ni Barbie.

Facebook

Text size
BARBIE Imperial na naka Poison Ivy costume sa katatapos na The New Nocturnals Halloween Party.

BARBIE Imperial na naka Poison Ivy costume sa katatapos na The New Nocturnals Halloween Party.

Facebook

SARAH Lahbati at ang Poison Ivy costume niya noong 2013 Halloween.

SARAH Lahbati at ang Poison Ivy costume niya noong 2013 Halloween.

Naging usap-usapan online ang Poison Ivy costume ni Barbie Imperial sa katatapos lamang na The New Nocturnals Halloween Party.

Pinagkumpara kasi siya sa dating Poison Ivy Halloween look ni Sarah Lahbati noong 2013.

Natural, nagkaroon ng comparison between Sarah and Barbie bilang parehong karakter.

Online, hindi nagpatalbog ang fans sa palitan ng kanilang opinion tungkol sa tila pagkakahawig ng Halloween costume ng ex-wife and current lover ni Richard Gutierrez. Siyempre, ang ex ay si Sarah at si Barbie naman ang kasalukuyan.

"Wag ipilit na coincidence to chz," say ng isang fan.

"Ano ba talagang gustong patunayan ni Barbie hahaha," tanong ng isang faney.

May nang-okray sa costume ni Barbie.

"Temu version I guess."

"Sarah labati mas maganda simple pero may dating saka sya ang original si barbie gaya gaya."

"Wala paring tatalo sa original. Syempre Sarah Lahbati lang. Trying hard talaga yung isa. Lahat nalang ginagaya kay Sarah."

"Maganda yung kay Barbie pero siguro kung i-remake ni Sarah to, she’d pull it off better!."