Cristy Fermin walang takot kay Claudine Barretto

Hindi pinalampas ni Cristy Fermin ang hanash ni Claudine Barretto na pupunta siya sa National Bureau of Investigation (NBI) para magsampa ng kasong cyberlibel laban kay Cristy at co-host niyang si Rommel Chika.
Sa GTV talkshow na “Kalurks” ay binasa ng host niyang sj DJ Jhai Ho ang statement ng aktres.
Ayon kay DJ Jhai Ho, naimbiyerna si Claudine sa sinabi ni Cristy na umano’y may bipolar disorder ang aktres, nakadepende siya sa kapatid na si Gretchen Barretto para sa kanyang expenses, at pagpaparetoke sa isang hospital.
Napuno na raw si Claudine kay Cristy dahil hindi siya niya tinatantanan kahit nakiusap na siyang tigilan na siya.
“She leaves me with no option. Hindi ko siya uurungan kahit na makiusap pa siya,” say ni DJ Jhai Ho tungkol sa plano ni Claudine.
Agad na hiningan ng BANDERA, isang online publication, ng pahayag si Cristy hinggil sa issue.
“Wow! Big words! Ipakukulong daw niya ako? Siguruhin niyang may merito ang kasong isasampa niya sa piskalya pa lang!
“Ano, mauuna pa akong makulong sa mga nangurakot ng male-maletang salapi sa gobyerno? Look who’s talking!” walang takot na pahayag ni Cristy.
“Jusko, ano ba? Nakakahiyang kaso ito!
“Gawin niya at makikita niya ang AYAW niyang makita!” paghamon pa ni Cristy.
