Taas presyo sa paglipad mararamdaman sa Agosto

A Southwest Airlines Boeing 737-8 MAX airplane prepares to land at Ronald Reagan Washington National Airport in Arlington, Virginia, on 10 July 2025.
SAUL LOEB / AFP

A Southwest Airlines Boeing 737-8 MAX airplane prepares to land at Ronald Reagan Washington National Airport in Arlington, Virginia, on 10 July 2025.
SAUL LOEB / AFP
Mas mataas na pasahe sa paglipad ang sasalubong sa unang araw hanggang akinse ng Agosto dahil sa fuel surcharge o tumataas na presyo ng jet oil.
Ayon sa Civil Aeronotics Board (CAB), mula sa kasalukuyang level 8 itataas ang surcharge sa level 13.
Sa ilalim nito, maglalaro sa P423 hanggang P1,237 ang dagdag pasahe para sa domestic flights habang nasa P1,396.74 hanggang P10,385.42 naman para sa international flights depende sa layo.
Malaki ang agwat ng bagong halaga kumpara sa level 8 na may P253 to P787 para sa domestic at P835.05 to P6,208.98 para sa internasyunal.
Ani ahensya, ikinakasa ang fuel surcharge tuwing 15 araw para mabawi ang gastos sa patuloy na tumataas na presyo ng langis na naapektuhan ng girian sa gitnang silangan. Hiwalay rin ito sa base fare na binabayaran ng mga pasahero.
Dagdag pa nila, maaaring patuloy ang pagtaas nito depende sa sitwasyn ng merkado.
VP denies Gracioso’s cash-delivery allegations
Early-stage cancer can be more easily treated than in the later stages. That is why doctors recommend regular cancer…
‘As far as I recall and based on the record, there is no showing.’
President Ferdinand Marcos Jr. is flying to Singapore for a five-day working visit upon the invitation of Singaporean…