SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Pag-alis ng travel tax, posibleng dagdagan ng P46 bilyon ang ekonomiya

AYON kay economist Joey Salceda, malaking tulong sa turismo at negosyo ang panukalang pagtanggal ng travel tax na isinusulong ni House Majority Leader Sandro Marcos.
AYON kay economist Joey Salceda, malaking tulong sa turismo at negosyo ang panukalang pagtanggal ng travel tax na isinusulong ni House Majority Leader Sandro Marcos.Composite photo / Daily Tribune images.
Published on

Puspusang sinuportahan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang panukala ni House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos na alisin ang travel tax sa Pilipinas, at hinimok ang Kongreso na aprubahan ang measure.

“Dapat itong maipasa dahil makakatulong ito. Bawat positibong hakbang ay dapat isaalang-alang,” ani Salceda, dating chairman ng House Committee on Ways and Means, sa Saturday Media Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City.

Aniya, pinipigilan ng travel tax ang mga Pilipino na maglakbay dahil dagdag gastos ito. Bagamat mawawala sa gobyerno ang P11 bilyon taun-taon, posibleng makabuo ng P46 bilyon sa kabuuang ekonomiya kung aalisin ito.

“Kapag nagta-travel ka, kumakain sa restaurants, nagho-hotels, may lodging. Kain, siyempre souvenir din,” dagdag pa niya.

Nakapaloob sa House Bill (HB) No. 7443 ang panukalang pagtanggal ng travel tax ni Marcos. Sa filing ng panukala, sinabi ng House leader:

“Ang travel tax ay ginawa sa ibang konteksto ng ekonomiya. Ngayon, isa na itong dagdag gastos na nagpapabigat sa ordinaryong Pilipino na nais lamang maglakbay para sa trabaho, pamilya, o oportunidad.”

Sa kasalukuyan, ang travel tax ay P1,620 para sa economy-class at P2,700 para sa first-class passengers.

“Ang paglalakbay ay hindi luho para sa maraming Pilipino. Ito ay paraan para manatiling konektado ang pamilya at paano pinap sustain ng mga manggagawa ang kanilang kabuhayan,” pahayag ni Marcos.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph