SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

White Beach sa Boracay, ika-anim sa ‘Best of the Best Beaches’ sa Asya

Pinuri ang Boracay sa Tripadvisor bilang isa sa pinakamagagandang destinasyon sa dagat sa kontinente.
A SERENE view of Boracay’s White Beach, with its pristine white sand and turquoise waters stretching along one of the Philippines’ most iconic tropical destinations.
A SERENE view of Boracay’s White Beach, with its pristine white sand and turquoise waters stretching along one of the Philippines’ most iconic tropical destinations.Photo courtesy of Shangri-La Boracay / Facebook.
Published on

Pasok sa ika-anim na puwesto ang White Beach Boracay sa “Best of the Best Beaches in Asia” ng Tripadvisor para sa taong 2026, na lalo pang nagpatibay sa reputasyon nito bilang pangunahing pandaigdigang destinasyon.

Kinilala ang White Beach dahil sa pino at mala-pulbos nitong puting buhangin, malinaw at asul na karagatan, at kahanga-hangang tanawin ng paglubog ng araw. Dahil dito, nananatili itong isa sa mga pangunahing pagpipilian para sa paglangoy, snorkeling, at iba pang aktibidad sa dagat.

Sa isang pahayag, pinuri ni Tourism Secretary Christina Frasco ang dedikasyon at pagsisikap ng mga manggagawa sa turismo sa sikat na isla ng Boracay.

Samantala, nanguna sa listahan ang Banana Beach sa Thailand, sinundan ng Kelingking Beach sa Indonesia. Pangatlo at pang-apat naman ang Radhanagar Beach at Palolem Beach sa India, habang pumanglima ang Mirissa Beach sa Sri Lanka.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph